Anne Curtis, Erwan Heussaff isinabay na ang binyag ni Dahlia sa kanyang 2nd birthday
ISINABAY na ng mag-asawang sina Anne Curtis at Erwan Heussaff ang pagpapabinyag ng kanilang anak na si Dahlia Amelie sa kanyang pagse-celebrate ng ika-2nd birthday.
Sa kanyang Instagram account ay ibinahagi ng nag-iisang dyosa ang mga larawan na kuha noong kaarawan ni Dahlia.
“Yesterday we celebrated the 2nd birthday of our dearest Dahlia Amelie and welcomed her to the Christian world. We pray that the Lord and His angels will always protect and guide her as she grows up. On t’aime tellement notre petite fleur,” saad ni Anne.
View this post on Instagram
Marami naman ang nagbigay ng pagbati at nagpaabot ng pagmamahal para cute na cute na anak ng aktres.
Ilan sa mga bumati ay sina Angel Locsin, Iya Villania, Liz Uy, Bea Alonzo, Georgina Wilson, Angelica Panganiban, na mga kaibigan ni Anne sa showbiz.
Bukod rito, hindi rin naman nagpahuli si Jasmine Curtis-Smith sa pagbati sa kanyang pamangkin.
Sa kanyang Instagram post ay ibinahagi ng kapatid ni Anne ang ilang snippets kasama si Dahlia.
“Happiest birthday to my lil duyan partner. You fill my days with so much joy, light, and love,” saad ni Jasmine.
Dagdag pa ng nakababatang kapatid ni Anne, “Dahlia, Tata Jas loves you so much. Can’t wait to see you today and everyday!!!”
Matatandaang March 2020, noong nagsisimula na ang pagkalat ng nakahahawang sakit na COVID-19 nang ipanganak ng aktres ang anak sa Australia.
Dahil nga rin sa banta sa kalusugan lalo na’t bagong panganak pa lang si Anne at baby pa si Dahlia ay nagdesisyon sila na manatili muna sa ibang bansa ng mahigit isang taon bago sila nagbalik sa Pilipinas.
Related Chika:
Anne may napatunayan nang isilang si Baby Dahlia: Totoo pala ‘yon, mas spoiled pa ang apo!
Anne umamin: I’m a very, super, duper praning mom!
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.