Kobe umamin na sa relasyon nila ni Kyline: We’re dating!
CURRENTLY dating ang relationship status ngayon nina Kobe Paras at Kyline Alcantara!
Ang umamin mismo ay ang basketball player matapos maging first-ever guest sa pinakabagong segment ng Cosmopolitan Philippines na “Cosmo Crush.”
Sa bahagi ng interview, tinanong si Kobe ng: “Who’s your biggest crush, celebrity or otherwise?”
Diretsahan naman niya itong sinagot at nag-name drop pa!
“Kyline Alcantara because we are dating!” pagbubunyag niya na maririnig sa background ang ilang tilian dahil kinilig nang sobra ang kanyang makasama sa set.
Baka Bet Mo: Kylie Verzosa umaming nakipag-date kay Marco Gumabao: We tried it out but mga bata pa kami
Nang mag-follow up naman ang fashion and entertainment magazine kung kailan daw na-realize ni Kobe na may crush siya sa aktres.
Ang sey ng basketbolista, “Early this year?”
Kasunod niyan, chinika niya ang ‘yung mga “qualities” ng isang babae na attractive para sa kanya.
“Someone who is caring and respectful,” sambit ni Kobe.
Next question sa kanya, “How do you feel about a girl who’s passionate about her career and hobbies?”
Wika ni Kobe na tila inilalarawan si Kyline, “It means everything to me. It’s actually insane that there’s women out there who focus on their career wholeheartedly and do well, and it’s really important for women to be by herself and you know, in her element and doing what she loves. It’s a turn on.”
Kung matatandaan, ilang beses nang na-interview sina Kobe at Kyline upang usisain ang tunay na relasyon nila, lalo na’t maraming beses silang spotted na very sweet sa isa’t-isa.
Ang madalas na sagot pa nga ng basketball player ay friends lang sila ng aktres, habang si Kyline naman laging sinasabi ay “to see is what you get.”
Ang huling update sa dalawa ay ‘yung pagbabakasyon nila sa isang beach resort sa Infanta, Quezon na kung saan ay kasama nila ang pamilya ni Kyline.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.