Veteran star hirap nang magkabisado ng script, problema sa taping

Veteran actress hirap nang magkabisado ng script, problema sa taping

Reggee Bonoan - October 27, 2024 - 01:38 PM

Veteran star hirap nang magkabisado ng script kay problema sa taping

Guess, guess who!?

NABABAHALA ang kaanak ng veteran actress dahil hindi na nito makabisado ang script kaya baka hindi na siya kunin sa serye.

Wala naman daw problema sa pag-arte ang veteran actress dahil magaling naman talaga pero kapag linyahan na ay nakakalimutan na nito ang mga sasabihin bagay na nagpapatagal ng taping.

“Siyempre ‘yung kaeksena nawawala ‘yung momentum niya kasi lagging ‘cut’ ang maririnig mula sa director.

“Lagi namang humihingi ng dispensa si ___ (veteran actress), e, ateng, lagi bang ganu’n? Nakakailang ulit si direk ___ (pangalan ng director) sa kanya.  Siyempre nakakapagod din sa lahat na gusto ng umuwi na hindi makauwi dahil sa kanya, ulit-ulit,” kuwento ng artistang kasama sa serye.

Maraming veteran actress na kasabayan ng bida sa blind item na ito na kayang gawin ang ginagawa niya kaya posibleng hindi na nga siya offer-an ng director o producer.

Baka Bet Mo: Ricci Rivero umalma sa netizen na nagsabing kunin na sana ng Panginoon ang pamilya niya

Kaya ito ang kaba ng kaanak ng veteran actress dahil kapag wala na talagang kumuha sa serbisyo niya ay baka magkasakit daw dahil nga nasanay na lagi siyang may ginagawa.

Heto na, ang bilis kumalat ng balita sa production dahil planong kunin ng director ang veteran actress bilang tulong na rin para may panggastos siya sa sarili ay nagdadalawang-isip daw kasi nga baka abutin sila ng mahabang oras kapag nakalilimot ito ng linya niya.

“Nag-iisip nga mabuti si ____ (director) kung kukunin pero baka hanapan ng papel na hindi na mahahaba ang sasabihin o kaya mata-mata acting lang,” natatawang tsika ng kausap naming artista.

Ini-imagine namin ang mata-mata acting ng veteran actress, puwede naman din dahil maganda naman ang mga mata niya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Abangan na lang natin kung anong next project niya pagkatapos ng seryeng nagawa niya ngayong taon.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending