Sylvia sa itsura ng unang apo: Kamukha ni Zanjoe na kulay ni Arjo

Sylvia sa itsura ng unang apo: Kamukha ni Zanjoe na kulay ni Arjo

Ervin Santiago - October 21, 2024 - 12:45 AM

Sylvia sa itsura ng unang apo: Kamukha ni Zanjoe na kulay ni Arjo

Ria Atayde, Zanjoe Marudo, Sylvia Sanchez at Baby Z

MARAMI nang nag-aabang sa pa-face reveal ng celebrity couple na sina Ria Atayde at Zanjoe Marudo sa panganay nilang anak.

Hanggang ngayon kasi ay hindi pa rin ipinasisilip ng mag-asawa sa publiko ang mukha ng kanilang baby at pati ang pangalan ng sanggol ay wala rin silang binabanggit.

Kahit nga ang nanay ni Ria na si Sylvia Sanchez at ingat na ingat sa pagkukuwento about her first apo. Nakiusap daw kasi talaga ang anak at si Zanjoe na huwag munang maglabas ng pictures ng bata.

Nakachikahan ng ilang piling members ng entertainment media si Sylvia sa mediacon ng concert ni JK Labajo na “juan karlos LIVE” na magaganap sa November 29 sa SM MOA Arena. Ang kanilang Nathan Studios ang producer ng show.

“Sabi, ‘Mommy, hindi puwedeng ilabas na makita yung mukha, hindi puwedeng sabihin yung name,’ nirerespeto ko yun.

Baka Bet Mo: Zanjoe Marudo ibinandera na ang relasyon nila ni Ria Atayde, pero wala pang balak magpakasal: ‘Masyado pang maaga’

“Sa kanila yun, e. Ibibigay ko sa kanila yun. Kapag sinabi, ‘Mommy, puwede na i-reveal. Go!’ Maya-maya magpo-post ako, di ba?” pahayag pa ni Sylvia.

Pero sino ang kamukha ng baby? “Ito sinasabi ko sa kanila to. Kamukha ni Zanjoe na kulay ni Arjo.”

Hindi rin daw siya nakikialam sa pag-aalaga nina Zanjoe at Ria sa kanyang apo, “Pinababayaan ko lang si Ria at saka si Zanjoe.


“May sarili silang bahay, e. So, pupunta lang kami du’n pag weekend, tapos pinapabayaan ko yung mga mag-asawa. Ayokong makialam, kasi gusto ko sa kanila muna.

“Kayo magdisiplina. Kayo. Ramdamin niyo yan. Pero pasensyahan pag naglakad na yan. Kukunin ko na yan. O, di ba?” sey ni Sylvia.

Proud din daw siya kay Ria dahil sa pagiging hands on mommy ng aktres, “Pag-aalaga sa mga bata, siguro nakuha niya. Nandu’n talaga. Kumbaga, nilagpasan ni Ria yung pagiging nanay ko.

“Naku, kung makita n’yo lang si Ria, ayaw niya magtrabaho, ayaw niya lahat muna ngayon. Tutok muna siya sa bata. Ako kasi nung ipinanganak ko sila, siyempre trabaho din ako.

“Sabi ko, ‘Nak, lahat ng time at atensyon, ibigay niyo. Huwag ka magkulang, ibigay mo lang,’” ani Sylvia.

Sey ni Ibyang, gusto raw niyang lola ang itawag sa kanya ng apo, “Masarap ang lola, kasi pinangarap ko talaga. Tayong mga Pinoy, ang sarap pakinggan sa tenga yung ‘nanay, tatay.’ Kaya lola talaga.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Anyway, available na ang ticket sa concert ni JK Labajo sa SM Tickets outlets.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending