Sylvia Sanchez nanggigil, ipinag-shopping ang apo

Sylvia Sanchez nanggigil, ipinag-shopping ang apo kina Ria at Zanjoe

Therese Arceo - October 16, 2024 - 08:24 PM

Sylvia Sanchez nanggigil, ipinag-shopping ang apo kina Ria at Zanjoe

IBA talaga ang pagmamahal ng isang lola dahil bonggang-bongga ang ginawang pag-shopping ng beteranang aktres na si Sylvia Sanchez para sa kanyang apo kina Ria Atayde at Zanjoe Marudo.

Sa kanyang latest Instagram post nitong Lunes, October 14, mapapanood sa video ang napakaraming baby items na kanyang binili para sa apo.

“Stress free day with my little Boss and Daddy Z [Zanjoe Marudo],” saad ni Sylvia sa caption.

Pagpapatuloy pa niya, “Gigil ako sayo apo.”

Baka Bet Mo: Trulili ba, Sylvia Sanchez, Zanjoe Marudo pinipilit tumakbo sa 2025?

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Agad namang umani ng samu’t saring reaksyon mula sa mga netizens ang naturang video ni Sylvia.

“Binili naman lahat ni lolaa ehhh @sylviasanchez_a sama shopping ate jo ahahahahhaa,” saad ng isang netizen.

Comment naman ng isa, “Hahahaha ay wla pa yan wla pa masyado gana lola mo mag shopping weyt ka lang pag mas masipag pa sya ang bango ng uloooo ni baby!hmmmmmm paamoy din po.”

“Ang sweet ni mama La sa apo. Nakatagpo si zanjoe ng mabait na in laws,” hirit pa ng isa.

Bago pa man isilang ni Ria ang kanilang panganay ni Zanjoe ay sinabi na ni Sylvia na excited siya sa pagdating ng kanyang unang apo.

Kaya naman hindi na kataka-taka kung talagang i-spoil ng aktres ang kanyang unang apo.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending