Snoop Dogg naloka sa lalaking 'Kalokalike': Wow! Get it nefew!

Snoop Dogg naloka sa lalaking ‘Kalokalike’: Wow! Get it nefew!

Ervin Santiago - October 09, 2024 - 01:55 PM

Snoop Dogg naloka sa lalaking 'Kalokalike': Wow! Get it nefew!

Snoop Dogg at ang ‘Kalokalike’ contestant na si Carlos

IN FAIRNESS, pang-international na talaga ang peg ng Kapamilya at Kapuso noontime program na “It’s Showtime” dahil sa pak na pak na segment nitong “Kalokalike Face 4”.

Nag-viral ang pagpansin ng award-winning American singer-songwriter na si Bruno Mars sa isang contestant na gumaya sa kanya sa naturang segment.

Ipinost pa ni Bruno Mars sa kanyang Instagram page ang pag-impersonate sa kanya ng naturang contestant na kuhang-kuha ang kanyang kilos at galaw.

Kasunod nito, muling naging trending topic sa social media ang panggagaya naman ng isang nagngangalang Carlos from Tondo, Manila sa American rapper at singer na si Snoop Dogg.

Baka Bet Mo: Anne baka mawalan ng kontrata dahil kay Vice: Sorry po, hindi ko sinasadya

Ni-repost din ng international artist sa kanyang Instagram page ang nag-viral na video kung saan makikita ang nakakalokang interview ng mga host ng “It’s Showtime” kay Carlos.

Tawang-tawa ang manonood at mga netizens sa eksena kung saan bigla na lang nag-Tagalog ang contestant at sumuko na sa pagsasalita ng English bilang Snoop Dogg.

“Huwag kang bibitaw! Huwag kang bibitaw!” ang hirit ni Ogie Alcasid sa “Kalokalike” contestant.

“Sabi ng mother ko pinaglihi ako kay Snoopy,” ang sey naman ni Carlos.

Mas lumakas pa ang tawanan at palakpakan ng studio audience nang nag-dialogue si Carlos tungkol sa hindi pagbitiw sa kanyang ini-impersonate, “Pinag-isipan ko pa, e. I don’t care na talaga.”

Biniro rin ni Vhong Navarro si Carlos at sinabihang bukod kay Snoop Dogg ay ka-lokalike din niya ang tinaguriang “Pambansang Alien” ng Pilipinas na si Brod Pete.

Samantala, sa ni-repost na video ni Snoop Dogg, kitang-kita ang masayang reaksyon niya kahit halata hindi niya naiintindihan ang bardagulan ng mga hosts ng “Showtime” at ni Carlos.

Ang caption na inilagay ng rapper sa kanyang IG post ay, “Wow get it nefew!” with matching laughing at crying emojis.

Ni-reshare rin ni Snoop Dogg ang reel sa kanyang Instagram story, kaya mas dumami pa ang nakapanood sa video ni Carlos na umami ng sandamakmak na reaksyon.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Isa nga sa mga celebrities na nagkomento ay ang award-winning actress na si Dawn Zulueta, na laugh nang laugh sa mga pakuwela at punchlines “Snoop Carlos.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending