Chavit Singson nagdeklara ng pagtakbo sa Senado, Banko ng Masa itatatag
INIHAYAG na ni dating Ilocos Sur Gov. Luis “Chavit” Singson ang kanyang pormal na pagtakbo sa Senado sa darating na 2025 elections.
Ang kanyang pangunahing layunin ay ang solusyonan ang problema ng kakulangan sa access sa pormal na sistemang pampinansyal ng maraming Pilipino.
Ang kanyang proyekto, ang Banko ng Masa, ay naglalayong bigyan ng pagkakataon ang lahat ng Pilipino na magkaroon ng access sa banking services, lalo na ang mga hindi pa nagkakaroon ng pagkakataong magamit ang mga serbisyong ito.
Baka Bet Mo: Angel Aquino pormal nang nagpaalam kay Gen. Diana Oligario: Now rock & roll in Probinsyano heaven!
Sa kasalukuyan, halos 77% ng mga Pilipino ay walang bank account, at 95% ang walang debit o credit card. Layunin ng programa ni Singson na masigurong bawat Pilipinong may edad na 18 pataas ay magkakaroon ng bank account at debit card.
Ang inisyatibong ito ay para mapalawak ang partisipasyon ng mga Pilipino sa pormal na ekonomiya at magbigay sa kanila ng mas maraming oportunidad upang mapakinabangan ang mga benepisyo ng banking services.
Hindi lamang mga Pilipino sa bansa ang makikinabang dito, kundi pati na rin ang mga overseas Filipino workers (OFWs). Sa ilalim ng ‘Banko ng Masa’, layunin ni Singson na mapababa ang remittance fees, na makakatulong upang mas maraming pondo ang direktang mapunta sa mga pamilyang umaasa sa mga padala mula sa abroad.
View this post on Instagram
Sa ganitong paraan, mababawasan ang financial na pasanin ng mga pamilyang Pilipino.
Si Singson ay nagtataguyod ng isang makabagong plataporma na tututok sa pagpapalawak ng financial inclusion sa buong bansa, magpapalago ng ekonomiya, at magtataas ng kaalaman sa wastong pamamahala ng pera.
Layunin niyang gawing accessible ang mga banking services para sa lahat, at itaas ang kalidad ng pamumuhay ng mga Pilipinong kasalukuyang hindi naaabot ng mga ganitong serbisyo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.