Gab game pa rin sa Vivamax; HyGab loveteam bentang-benta

Gab Lagman game pa rin mag-Vivamax; HyGab loveteam bentang-benta

Ervin Santiago - October 08, 2024 - 06:00 AM

Gab Lagman game pa rin mag-Vivamax; HyGab loveteam bentang-benta

Gab Lagman at Hyacinth Callado

GAME pa rin ang Viva Artists Agency talent na si Gab Lagman na gumawa ng daring and mature projects kung talagang maganda ang kuwento at tema.

Unang napanood si Gab sa Vivamax Original Movie na “Bula” na ipinalabas noong 2022, ngunit pagkatapos nito ay hindi na siya binigyan ng sexy movie ng kanyang talent management.

Sa halip, isang wholesome at pakilig na proyekto ang ibinigay sa kanya ng Viva Entertainment, ang “Chasing in the Wild” na napapanood ngayon sa Viva One kung saan kasama niya ang ka-loveteam na si Hyacinth Callado.

In fairness, napakalakas din ng “Chasing in the Wild” sa Viva One, tulad din ng naunang dalawang episode ng University Series na “The Rain In España” nina Heaven Peralejo at Marco Gallo, at “Safe Skies Archer” starring Jerome Ponce and Krissha Viaje.

Baka Bet Mo: Bakbakan ng mga sikat na K-drama actors sa ‘The Wild’ pasabog ang aksyon

Sa nakaraang intimate presscon ng “Chasing in the Wild”, tinanong si Gab kung payag pa ba siyang gumawa ng pelikula sa Vivamax kahit na medyo wholesome na ang kanyang image ngayon.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Gab Lagman (@gablagman)


Pwede pa rin naman daw siyang magpaka-daring, “If it’s the right project. But me and the management talked about, siyempre the fans dito is wholesome, so we want to focus on the wholesome.

“Pero kapag maganda yung story, why not po?” aniya pa.

Muling insusisa ng media kung ano na ang status ng relationship nina Gab at Hyacinth after almost a year ng pagtatambal nila sa “Chasing in the Wild”.

Sagot ni Gab, “What I love about me and Hya, we don’t force anything and, of course, we try to focus muna sa career. And like what I’ve said, if it’s meant to be, it’s meant to be.

“But everything, what we do on and off cam, is genuinely real because we want to be the best versions of Sevi and Elyse,” sey pa ng hunk actor na ang tinutukoy ay ang mga karakter nila sa “Chasing in the Wild.”

“But as of now, we’re really good friends. We enjoy working with each other and we bring the best out of each other,” dagdag ni Gab.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Gab Lagman (@gablagman)


Samantala, pagkatapos ngang mag-premiere ang unang episode ng “Chasing in the Wild” noong August 16 sa streaming platform na Viva One, super happy sina Gab at Hyacinth, na mas kilala na ngayon bilang HyGab, sa napakainit na suporta ng mga fans.

Ang adaptasyon ng pangatlong installment ng “University Series” ni Gwy Saludes sa Wattpad ay sinusundan ang character nina Sevi (Gab) at Elyse (Hyacinth) na nahulog sa isa’t isa kahit magkaiba ang kanilang paaralan at hindi magkatulad ang kanilang personalidad.

Laging trending sa social media, ang “Chasing In The Wild” at ang HyGab loveteam ay nakakalap ng mga tili ng pagkilig sa kanilang mga tiga-suporta.

Nagkaroon din ng maraming oportunidad sina Hyacinth at Gab dahil sa series. Nakakaikot na sila iba’t ibang
bahagi ng Pilipinas para sa mall shows at guestings para makilala ang kanilang fans.

Naging espesyal na bisita rin sila para sa iba’t ibang piyesta ng bansa, tulad ng Pista ng Peñafrancia sa Naga at Pista ng Kadayawan sa Davao.

Tampok rin ang HyGab bilang featured stars ng mga online publication tulad ng Mega Magazine, kung saan magkakaroon sila ng sariling feature article ngayong Nobyembre, at ang Nylon, kung saan naman cover star si Hyacinth ngayong October.

Kikiligin ang mga HyGab fans sa latest episode ng “Chasing in the Wild” kung saan magse-celebrate na sina Elyse at Sevi ng kanilang third anniversary sa Bohol.

Kaya ihanda n’yo na ang inyong mga sigaw dahil mas papasayahin at paiinitin pa nina Elyse at Sevi ang inyong gabi sa kanilang pagrampa sa Bohol.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Napapanood na ngayon ang latest episode ng “Chasing in the Wild”, streaming exclusively on Viva One.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending