Coco Martin ipina-drug test lahat ng nasa 'Batang Quiapo'

Magkakaalaman na: Coco ipina-drug test lahat ng nasa ‘Batang Quiapo’

Ervin Santiago - October 06, 2024 - 01:52 PM

Magkakaalaman na: Coco ipina-drug test lahat ng nasa 'Batang Quiapo'

Coco Martin

BUKAS na raw magkakaalaman kung sinu-sino sa mga artista at production staff ng “FPJ’s Batang Quiapo” ang negatibo at positibo sa paggamit ng droga.

Ipina-drug test ng ABS-CBN sa pangunguna ng lead star at direktor ng “Batang Quiapo” na si Coco Martin ang lahat ng cast members at mga taong involved sa produksiyon.

Kung sino raw ang magpopositibo sa paggamit ng ipinagbabawal na gamot ay otomatikong hindi na muna makakapagtrabaho sa teleserye ng Kapamilya Network.

Sa sulat na ipinadala ni Coco last Wednesday, October 2, binigyan niya ng hanggang October 7 ang lahat ng kasama niya sa serye para magpa-drug test.

“Kung maaari lamang na ipasa ang inyong resulta bago mag-Okubre 7, 2024. Kung hindi po makakapagpasa bago ang nasabing araw, hindi po muna mapapayagan pumasok.

“Kinakailangan pong sumunod ang lahat, sapagkat para po ito sa ikaayos ng takbo ng ating produksyon at parte ng pangangalaga natin sa bawat isa. Maraming salamat po,” aniya pa.

Napag-usapan ang balitang ito sa programang “Cristy Ferminute” nitong nagdaang Biyernes, October 4 kung saan kinumpirma nga ni Nanay Cristy Fermin ang pagsailalim sa drug test ng buong produksiyon ng serye.

Baka Bet Mo: Talent manager wapakels kahit nega ang ugali ng alaga, gumagamit ng ibang tao para pag-usapan ang talents

“Nakakatuwa si Coco Martin. Sumusunod siya talaga sa naaayon.  Isipin mo, pina-drug test niya lahat ng kanyang production people.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Dreamscape Entertainment (@dreamscapeph)


“Kapag sa October 7 hindi nai-submit ‘yong kanilang drug test, hindi pwedeng magtrabaho,” ang pahayag ng veteran entertainmentcolumnist at online host.

Dagdag pa niya, “Dapat lang talaga na binibigyan ng disiplina, lalo na ngayon sa mga panahong ito, ano ba ang kalaban ng mga produksiyon ng kahit sino kahit ordinaryong tao? Droga, ‘di ba?”

Sabi naman ng co-host niyang si Romel Chika, “Yes, nadi-delay ang lahat at nagkakagulo ang set kapag may ilan sa mga kasamahan nila ang may bisyo, kaya dapat lang para maiwasan ang gulo sa anumang set ”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Naniniwala rin si Nanay Cristy na tama lang naman ang ginawa ni Coco upang mapanatiling maayos at drug-free ang kanilang pagtatrabaho.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending