Claudine, Solenn negative rin sa paggamit ng ilegal na droga | Bandera

Claudine, Solenn negative rin sa paggamit ng ilegal na droga

Ervin Santiago - September 09, 2016 - 12:01 AM

claudine barretto at solenn heussaff

 

PARA pabulaanan ang mga kumakalat na tsismis tungkol sa pagkakadawit ng pangalan ni Claudine Barretto sa isyu ng ilegal na droga, isang kaibigan ng aktres ang nag-post ng mensahe sa kanyang Instagram account kamakailan.

In-upload ng colleague nating si Francis Simeon na kilalang malapit na kaibigan ni Claudine, ang resulta ng isinagawang drug test sa aktres sa IG. Negative ang lahat ng resulta ng tests kay Claudine sa 10 nakalistang illegal substances.

“Para sa mga humusga kay @claubarretto” ang inilagay na caption ni Francis sa nasabing IG photo.
Ilang bashers sa social media ang naghamon kay Claudine na mag-voluntary drug test na rin para patunayan sa buong mundo na hindi siya gumagamit ng droga tulad ng inaakusa sa kanya ng kanyang detractors.

Bukod kay Claudine Barretto at iba pang celebrities na nag-negative sa drug test, ibinandera rin ng kampo ni Solenn Heussaff na nag-negative rin ang Kapuso TV host-actress sa paggamit ng illegal drugs.

“One of GMA Network’s stars, Solenn Heussaff has tested negative for illegal drugs. Leo Dominguez, the talent manager of the Filipina-French actress/model, has decided to publicize her results in support of the Government’s stand and campaign against illegal use of prohibited drugs. This is also to inform the public of Solenn’s beliefs of clean and healthy living.

“Solenn practices what she believes in, which is to live a healthy and productive lifestyle, this includes her position against the use of prohibited and illegal drugs,” sabi pa ng GMA.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending