Coco nagdesisyon na: Gagawin ko po ito para sa lahat ng Pilipino!

Coco Martin nagdesisyon na: Gagawin ko po ito para sa lahat ng Pilipino!

Ervin Santiago - October 01, 2024 - 12:45 AM

Coco Martin nagdesisyon na: Gagawin ko po ito para sa lahat ng Pilipino!

Coco Martin

SA wakas, napilit din ng kanyang team ang Teleserye King na si Coco Martin na gawin ang matagal nang request ng kanyang mga fans at supporters.

Nagdadalawang-isip kasi ang Kapamilya superstar na sumabak sa isang bagong mundo na hindi niya nakasanayan dahil may agam-agam siya na baka hindi niya makayanan ang “pressure” at “demand”.

Mga ka-BANDERA, kung ang pagpasok sa politika at pagtakbo sa 2025 elections ang iniisip n’yo, naku, nagkakamali kayo dahil mukhang wala pa talaga sa isip niya ang maging politiko.

Ang tinutukoy namin ay ang pagkasa ni  Coco na pasukin na rin ang pagti-TikTok. Yes, napa-oo na rin ang partner ni Julia Montes na gumawa na rin ng content para sa naturang platform.

Baka Bet Mo: Coco hirap na hirap mag-shooting sa US: Hindi ko alam kung paano ko kakausapin ‘yung mga crew doon

At in fairness, sa loob lamang ng anim na oras mula nang isapubliko ni Coco ang kanyang official TikTok account ay nakakuha na agad siya ng 68,000 followers.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by CCM Productions (@cocomartin_ccmfilmproductions)


In-open ni Coco ang kanyang verified account na @cocomartinofficial kahapon kalakip ang isang nakakaaliw na video kung saan niya pormal na in-announce ang pagpasok niya sa naturang social media app.

“Matagal ko pong pinag-isipan ito at ngayon desidido na ako. Gagawin ko ito para sa kinabukasan ko, sa kinabakusan ng aking pamilya at sa kinabukasan ng lahat ng mga Pilipino,” ang pasakalyeng mensahe ni Coco sa lahat ng kanyang tagasubaybay.

Patuloy pa ng premyadong aktor at lead star ng hit Kapamilya action-drama series na “FPJ’s Batang Quiapo”, “Maraming mga taong kumakausap sa akin, maraming mga taong kumukumbinsi at ngayon desido na ako.

“Kayo ang kauna-unang makakaalam nito, ako si Coco Martin – nasa TikTok na. Kaya ano pa ang hinihintay niyo i-follow niyo na ako,” ang paandar pang sabi ni Coco.

Bukod sa TikTok, active rin si Coco sa Facebook (Real Coco Martin) at Instagram (cocomartin_ph).

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

So, abangers na lang tayo kung anu-anong klaseng content ang ise-share ni Coco sa kanyang TikTok account.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending