Coco hirap na hirap mag-shooting sa US: Hindi ko alam kung paano ko kakausapin ‘yung mga crew doon
“AKO mismo ang lumapit sa Star Cinema nu’ng nakita kong nag-struggle ang industriya natin, sabi ko baka sakaling makatulong, meron akong concept baka magustuhan ninyo.”
Ito ang inamin ni Coco Martin sa intimate mediacon ng pelikulang “Alabyu with an Accent.”
Natanong kasi namin kung nakapagpahinga na ang aktor at kailan nabuo ang nasabing pelikula dahil ang alam namin ay abala siya sa “FPJ’s Ang Probinsyano” bilang writer, direktor at aktor at sadyang plano niyang sumali sa Metro Manila Film Festival 2022.
“Actually, ‘yung pahinga hindi pa kasi nu’ng binuo ko ang concept na ito ginagawa ko pa rin ‘yung Probinsyano. Bago nagkaroon ng pandemic, gumawa rin kami ng pelikula ni Angelica Panganiban ‘yung ‘Love or Money’ then after that na-stop, then nag-struggle nga ‘yun industriya natin.
“Sabi ko nga sa Star Cinema, ang nasa isip ko (na leading lady) si Jodi (Sta. Maria) tapos katatapos lang ng soap opera niya (The Broken Marriage Vow) ako patapos na ‘yung Probinsyano. Kinuwento ko sa kanila ‘yung konsepto, nagustuhan naman nila.
“Tapos nalaman ko na may show ako sa Amerika para makapagpasalamat sa mga nanood ng Probinsyano, sabi koi se-segue ko na ro’n ‘yung kuwento.
“Habang nandoon ako nagsu-shot ako at ‘yung mga araw na wala akong trabaho, nagsu-shooting naman ako. Kaya iyon ang mga nangyari sa amin, nag-show kami ro’n.
“After that ‘yung break namin nagdidiretso na kaming mag-shooting ng pelikula pagkatapos namin ng pelikula nag-show ulit kami. Pagkauwi namin ng Manila, nag-shooting ulit kami rito at natapos na ang pelikula ngayon at ine-edit na po namin,” detalyadong kuwento ni Coco.
Nagkatawanan naman ang lahat ng nasa Dolphy Theater nang aminin din ng aktor na nagmakaawa siya kay Direk Malu Sevilla na co-director niya sa “FPJ’s Ang Probinsyano” na tulungan siyang idirek ang MMFF 2022 entry nila sa Amerika dahil hindi sila magkaintindihan nu’ng mga Kanong crew doon.
“Hirap na hirap ako at nagpatulong talaga ako kay direk Malu Sevilla lalo na sa Amerika kasi hindi ko alam kung paano ko kakausapin ‘yung mga cameraman doon, mga crew.
“Nu’ng nagkaproblema na hindi namin madadala ‘yung mga crew namin doon, nagmakaawa talaga ako sa kanya kahit bagong opera siya na tulungan niya at samahan niya ako (lumipad pa-US).
“And then siyempre 7 years ‘yung Probinsyano and then si Jodi rin nagkasunud-sunod sa mga soap opera niya na haeavy kaya sinigurado namin na ibang experience, ibang character, ibang-iba ‘yung mapapanood ninyo dito, kahit ‘yung action din ibang-iba kasi lahat ng movies ko may acton, eh. Ito pure comedy romance pero ‘yung kurot sa puso, ‘yung drama talaga nandoon na, iikot siya,” kuwento ni Coco.
Ayon naman kay Jodi ay hindi niya ini-expect na magsasama at maididirek siya ni Coco dahil parati siyang may ginagawang iba.
Pero nu’ng ialok sa kanya ang nasabing pelikula, “Sino ba naman ako para hindi i-grab ‘yung opportunity na ‘yun.”
Maganda ang naging takbo ng shooting dahil saluhan sila sa linya, “Ang style kasi, we are just given a scene and then bahala na kayo, magsasaluhan na lang kaming dalawa like sasagutin ko, magbibigay ako (situation) sasagutin din ni direk (Coco) and hinahayaan na lang namin kung saan kami tangayin nu’ng eksena na of course we are staying faithful to our characters.
“Alam mo ‘yung bigla na lang sumisipa ‘yung kilig at tawa,” paglalarawan ng aktres tungkol sa kilig scenes nila.
Singit ni Coco, “Actually kasi ‘yung mga samahan naming mga artista napaka-importante ‘yung organic ‘yung eksena. Kasi kapag masyado n’yo nang nire-rehearse, masyado mong inaaral ‘yung script mom ape-perfect mo ‘yan pero minsan ‘yung magic o ‘yung bigay na iba.
“Kunwari ni-rehearse n’yo ‘yan,m prinaktis n’yo ‘yan expected n’yo na ‘yung ibibigay ng isa’t isa pero pag hinayaan mong mag-flow, hinayaan mong like si Jodi hinahayaan kong buuin ‘yung character niya, like ako sinu-surprise ko rin siya, hindi niya rin alam ang lines ko.
“Kasi hindi ako nagbibigay ng script, nagbibigay ako na, ‘Jods ito lang ang sasabihin mo ganito-ganito. Pero lagi akong may baon, hinahayaan ko lang si Jodi maglabas ng baon niya which is pag pinapanood mo hindi mo inaasahan ‘yung mga sinabi o in-adlib namin (ay) nandoon ‘yung kilig,” aniya pa.
Nagbanggit pa ng eksena si Coco na kunwari nagki-kiss sila ni Jodi na biglaan at wala naman silang guide pero nu’ng pinanood daw nila ay nakaramdam siya ng kilig.
“Bakit kinilig ako na hindi naman namin alam kung saan nangyari ang eksena, siguro dahil napakahusay na artista ni Jodi nadadala o nahihila niya ako. Kasi ako sponge lang ako kung ano ang ibinibigay ng co-actors ko sinasalo ko lang.
View this post on Instagram
“Kaya ang nangyayari ngayon dahil sa organic o hindi masyadong planado ang eksena o script nangyayaring fluid ang mga eksena kaya ang chemistry lumalabas,” paliwanag mabuti ng director-actor.
Ipinanood sa media ang trailer ng pelikula at talagang tawa nang tawa ang lahat dahil hindi hard sell ang comedy ng pelikula.
Kasama nina Coco at Jodi sa movie sina Nova Villa, Manuel Chua, Michael de Mesa, Joross Gamboa, Rochelle Pangilinan, G. Toengi, Rafael Rosell, Donita Rose, Carlo Muñoz, Cheena Crab, Nikki Valdez, Zeus Collins, Neil Coleta, Jojit Lorenzo, Nash Aguas, JJ Quilantang, Iyannah Reyes, Madam Inutz, Jhai Ho, Marc Solis, Jay Gonzaga, John Medina, Bassilyo, John Estrada at Jaclyn Jose.
Related Chika:
Julia nakabili ng bagong bahay malapit sa mansion ni Coco
Coco tensyonado sa pagpasok ni Julia sa ‘Ang Probinsyano’
Coco Martin, Julia Montes sweet na sweet sa dinaluhang birthday party; matagal na nga bang kasal?
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.