‘Outside’ nina Beauty, Sid first-ever zombie film ng Pinas, ipinasilip na
LALONG naging kaabang-abang ang upcoming horror movie na “Outside” na pinagbibidahan nina Beauty Gonzales at Sid Lucero.
Bukod sa ito ang first-ever zombie film ng Pilipinas, inilabas na rin ng Netflix ang first full trailer nito!
Mula ito sa direksyon ng Australian-Filipino filmmaker na si Carlo Ledesma na tungkol sa isang pamilya na tinatakasan ang mga nakakatakot na zombies.
Mapapanood sa pasilip na nagtungo ang pamilya sa childhood farmhouse ng ama na nasa isang liblib na probinsya.
Baka Bet Mo: Beauty Gonzalez gusto ulit magka-baby: ‘I want another one, please!’
At ipinapakita riyan na maliban sa zombies, ang tatalakayin rin sa pelikula ay mga isyu katulad ng trauma at abuse.
Ang gagampanan ni Sid ay bilang troubled father, si Beauty ang strong-willed mother, habang sina Marco Masa at Aiden Patdu ang magiging terrified sons nila sa horror movie.
Ang pelikulang “Outside” ay mapapanood na sa October 17 sa nasabing streaming service.
Para sa mga hindi aware, ang writer at direktor ng nasabing horror movie na si Carlo ay isang Filipino-Australian filmmaker na nakakuha ng pagkilala para sa thesis feature niya na “The Haircut.”
Naiuwi nito ang “Best Short Film” mula sa Mini Movie Channel Award ng Cannes Film Festival noong 2007.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.