Nigerian comedian na si Zombie 2 araw hindi nakatulog dahil sa 'Penduko': 'Dyusko, paano 'to? Hindi ako marunong magbasa ng Tagalog!' | Bandera

Nigerian comedian na si Zombie 2 araw hindi nakatulog dahil sa ‘Penduko’: ‘Dyusko, paano ‘to? Hindi ako marunong magbasa ng Tagalog!’

Ervin Santiago - October 30, 2023 - 08:50 AM

Nigerian comedian na si Zombie 2 araw hindi nakatulog dahil sa 'Penduko': 'Dyusko, paano 'to? Hindi ako marunong magbasa ng Tagalog!'

Matteo Guidiceli at Zombie

PROMISING para sa amin ang baguhang komedyante na si Zombie, na araw-araw napapanood sa noontime show ng iconic trio na TV, ang “E.A.T.” ng TV5.

Tawa nang tawa ang mga miyembro ng entertainment media sa presscon ng  official entry ng Viva Films sa 2023 Metro Manila Film Festival (MMFF) na “Penduko” starring Matteo Guidicelli last October 24, kung saan kasama nga si Zombie.

In fairness, natural comedian si Zombie o Daniel Oke sa tunay na buhay, na isang Nigerian vlogger at una ngang nadiskubre sa “E.A.T.” nina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey de Leon.

Kuwento ni Zombie na nangangapa pa sa pagsasalita ng Tagalog, “Ito po ang pinakaunang movie ko at saka pagdating sa pressure, parang confident po tayo. Personally, confident po ako sa ginawa ko so makikita sa resulta ng movie.”

Sey ng Nigerian comedian sa role niya sa MMFF 2023 entry ng Viva Films na idinirek ni Jason Paul Laxamana, “Ako po si Kuya Mon, isang gangster na siga sa itong proyekto na ito. Actually, may pumasok na text, ‘Zombie, kasama ka raw sa Pedro Penduko.’

Baka Bet Mo: Matteo kabado sa unang MMFF entry na ‘Penduko’, dumaan sa matinding training: ‘It’s a big responsibility… justice is coming on Dec. 25’

“Sabi ko, ‘Dyusko, paano ito? Hindi ako marunong magbasa ng Tagalog. Paano ito?’ Actually, dalawang araw po ako na hindi natulog. Inisip ko, anong meron sa mga script na yan?

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

“Pagdating ng script, wow, tatlo pala yung mga scene ko. Sabi ko, ‘Okay, kaya ko ito.’ Binuksan ko yung mga script ko tapos pumunta ako sa Google translate para ma-translate ko. English versus Tagalog translation.

“So, lahat ng mga scene ko, nag-translate ako. Lahat! Para maintindihan ko talaga kung ano yung istorya,” pagbabahagi pa ni Zombie.

Baka Bet Mo: Nikko Natividad pangarap gumanap na Pedro Penduko: Gustung-gusto ko kasi ‘yung humor ni Sir Janno Gibbs

“Tapos, yung worst thing, medyo mahirap mag-pronounce, like naaaalalanganin… naalanganin… nag-alanganin,” ang nabubulol pang sey ng Legit Dabarkads.

“Mga ganyang tongue twister pero mabuti si Direk, pinalitan niya. That’s it! Isa po akong gangster diyan. Tapos binasa ko yung mga script ko para maintindihan ko yung buong istorya. Tapos, boom!

“Naging gangster ako sa show, pati yung Matteo, binugbog ko! Pati yung laway ko, ganoon. Matteo, walang sakit, di ba?” hirit pa ni Zombie sabay tingin sa husband ni Sarah Geronimo.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Habang nagsasalita si Zombie ay super laugh naman si Matteo dahil feeling namin ay nakaka-relate siya sa mga sinabi nito dahil kahit siya ay medyo hitap pagsasalita ng Tagalog.

Kasama rin sa “Penduko” sina Albert Martinez, John Arcilla, Phoebe Walker, Aaron Villaflor at marami pang iba. Showing na ang “Penduko” simula sa December 25 bilang bahagi ng MMFF 2023.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending