Jodi, Arshie may paalala sa mga botante: ‘Future natin ang nakataya dito!’
PARA sa mga ka-BANDERA nating botante diyan, kilala niyo na ba talaga kung sino ang mga iboboto niyo sa darating na 2025 midterm elections?
Dahil diyan, may ibinanderang paalala ang award-winning actress na si Jodi Sta. Maria at ang content creator na si Arshie Larga.
Sa pamamagitan ng X (dating Twitter), sinabi ni Jodi na dapat kilatisin at piliin nang mabuti ang mga nais ihalal sa papalapit na eleksyon.
“My morning thought — We may not have control over who runs for public office, but our strength lies in wisely choosing those deserving of our trust,” caption ng aktres.
Aniya pa, “Make informed choices.”
Baka Bet Mo: Warning ni Robi sa botante: Piliin ang sigurado, may malinis na track record, laging nandiyan at hindi nagtatago
My morning thought – We may not have control over who runs for public office, but our strength lies in wisely choosing those deserving of our trust. Make informed choices. 💭
— Jodi Sta.Maria (@JodiStaMaria) October 2, 2024
Pinaalalahanan naman ni Arshie ang kapwa-content creators na mag-research muna bago mag-endorse ng nais nilang kandidato sa gobyerno.
“Sa mga content creators na makakakuha ng inquiry to endorse a certain political candidate. Please do your research first. Alamin nyo ang mga plataporma ng mga kandidatong ito,” wika niya sa X post.
Dagdag pa niya, “Let’s be responsible content creators. Don’t do it just for the money.”
“Future natin ang nakataya dito,” giit pa ni Arshie.
Sa mga content creators na makakakuha ng inquiry to endorse a certain political candidate. Please do your research first. Alamin nyo ang mga plataporma ng mga kandidatong ito. Let’s be responsible content creators. Don’t do it just for the money. Future natin ang nakataya dito.
— Arshie Larga (@Arshiethromycin) October 1, 2024
Kasunod niyan ay nilinaw ng content creator na hindi siya mag-eendorso ng kandidato dahil sa pera, ngunit dahil sa kanyang paniniwala sa kanilang plataporma.
“Personally, hindi ako magpapabayad para lang i-endorse ang isang kandidato. Kung may makita man kayong post ko about a certain political candidate, it’s because naniniwala ako sa kakayahan ng kandidatong ito at sa kanyang plataporma. Yun lang po,” lahad niya.
Personally, hindi ako magpapabayad para lang i-endorse ang isang kandidato.
Kung may makita man kayong post ko about a certain political candidate, it’s because naniniwala ako sa kakayahan ng kandidatong ito at sa kanyang plataporma. Yun lang po☺️
— Arshie Larga (@Arshiethromycin) October 1, 2024
Ilan lamang sa mga celebrities na nag-file na ng certificate candidacy ay sina Philip Salvador, Marco Gumabao, Ion Perez, Enzo Pineda, Diwata, at ang content creator na si Rosmar Tan.
Tatakbo rin sa 2025 elections ang ilang kilalang personalidad na may karanasan na rin sa pulitika, kabilang na sina Arjo Atayde, Richard Gomez, Jolo Revilla, Lani Mercado-Revilla, Lucy Torres-Gomez, Yul Servo, at marami pang iba.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.