Warning ni Robi sa botante: Piliin ang sigurado, may malinis na track record, laging nandiyan at hindi nagtatago | Bandera

Warning ni Robi sa botante: Piliin ang sigurado, may malinis na track record, laging nandiyan at hindi nagtatago

Reggee Bonoan - March 06, 2022 - 04:34 PM

Robi Domingo

KANYA-KANYANG kayod ang mga artista ngayon para hikayatin ang mga botante sa nalalapit na eleksyon sa Mayo 9.

Pagkatapos nga ni Angelica Panganiban ay ang TV host namang si Robi Domingo ang nagpayo sa mga boboto na pumili ng tamang kandidato at huwag magpaloko sa mga mambubudol.

Nakipag-partner si Domingo sa Young Public Servants, isang grupo ng kabataan na nagsusulong ng good governance, sa paggawa ng video, kung saan tampok ang isang game show na may pamagat na “All or Nothing.”

Sa video, tinanong ni Domingo ang mga manoood ng, “Sa pagpili ng kandidato, ano ang gagawin mo?”

Matapos ibigay ang mga pagpipilian, pinayuhan ni Robi ang mga botante ukol sa kanilang ihahalal sa darating na eleksyon, “We can’t fall for and be with the wrong period.”

Sa ikalawang pagpipilian na phone a friend ay pinag-iingat naman ni Domingo ang mga manonood na huwag maniwala sa fake news at mga tsismis.

Pagdating sa ikatlong pagpipilian na survey says at sabi ng binata, “Hindi porke’t nangunguna ‘raw’, magaling na. Minsan magaling lang mambudol.”

Sa huling pagpipilian sinabi ni Robi, “Piliin ang sigurado at may napatunayan na. May malinis na track record, palaging nandiyan at hindi nagtatago.”

Pinayuhan ding huwag maniwala sa Tik-Tok at pag-aralang mabuti ang kanilang pipiliin, dahil nakadepende rito ang kanilang kinabukasan at ang kinabukasan ng bansa.

“Sa eleksyon ngayong Mayo, hindi lang isang milyong piso ang nakataya rito. Future mo at ng buong Pilipinas ang mababago,” sambit nito.

View this post on Instagram

A post shared by Robi Domingo (@iamrobidomingo)


Dagdag pa niya, “Kaya intindihin na ang mga kailangan. I-eliminate mo na iyong mga obvious naman na mali at huwag maniniwala sa mga pangakong ginto. Tandaan huwag magpapabudol.”

Habang sinusulat namin ang balitang ito ay meron na itong 16,000 shares at 1.9k comments na halos lahat ng netizens na nag-react ay sumang-ayon kay Robi.

https://bandera.inquirer.net/285091/robi-umaming-selosong-dyowa-parang-napapraning-ako

https://bandera.inquirer.net/285136/bilang-ng-mga-rehistradong-botante-para-sa-2022-elections-umabot-na-sa-59m

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

https://bandera.inquirer.net/304567/kampo-ni-enchong-dee-umalma-sa-balitang-nagtatago-ang-aktor-para-makaiwas-sa-warrant-of-arrest

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending