Carlos excited nang pakasalan si Chloe at maging daddy: We did it

Carlos excited nang pakasalan si Chloe at maging daddy: We did it mahal!

Ervin Santiago - September 30, 2024 - 12:45 AM

Carlos excited nang pakasalan si Chloe at maging daddy: We did it mahal!

Chloe San Jose at Carlos Yulo

EXCITED na raw maging asawa at daddy ang controversial 2-time Olympic gold medalist na si Carlos Yulo.

Iyan ang ibinandera ng Pinoy champ sa buong universe kasabay ng pagse-celebrate nila ng kanyang partner na si Chloe San Jose ng kanilang 52nd monthsary.

Kaya naman ang feeling ng mga netizen, mukhang malapit na raw ikasal ang magkarasyon lalo na nang mabasa nila ang nakakakilig na love letter ni Caloy para kay Chloe.

Nag-post si Chloe ng magkahiwalay na litrato nila ni Caloy hawak ang isang bouquet ng bulaklak. Sinundan ito ng isang card kung saan nakasulat ang mensaheng, “Happy 52nd monthsary mahal ko. I love you so muchie. – MAHAL.”

Baka Bet Mo: Carlos, Andrea bagay daw, Chloe barag na naman: Patay kang bata ka!

Sinagot naman ni Chloe si Caloy ng, “I love you endlessly Carlos.”

Sa isa pang litrato na ibinahagi ni Chloe makikita ang sulat-kamay na love letter ni Carlos para sa kanyang girlfriend kung saan nagpasalamat siya sa mga sakripisyo ng dalaga para sa kanya.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“Para sa yo mahal ko, maraming, maraming salamat sa ibinigay mong suporta sa akin. Sobra akong natutuwa at humahanga sa naging journey at mangyayari pa sa buhay natin ngayon.

“Unti-unti na nating naaabot yung mga pangarap natin sa buhay ng sabay. Lahat ng sakripisyo mo para masuportahan ako. Sobra ko po yun naa-appreciate mahal ko. At lahat noon ay worth it.

“Salamat ng marami mahal ko at sinamahan mo ko sa journey na ito, di naging madali pero di ka sumuko, katabi ko,” ang pahayag ni Caloy.

Patuloy pa niya, “Alam kong marami pa tayong mapapagdaanan sa buhay, pero handa ako na salubungin lahat yon kasama ka.”

Kasunod nga nito at sinabi ni Carlos na looking forward na siyang maging daddy at asawa ni Chloe.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“We did it mahal ko! Now let’s focus on our next goals! At siyempre, excited na ko maging daddy at asawa hehe,” ang sabi pa ni Carlos sa kanyang sulat.

Narito ang mga reaksyon ng netizens sa love letter ni Carlos.

“OMG ikakasal na ba kayo?”

“Lalong magagalit ang bashers hahaha.”

“Naku bubula na naman ang bibig ng mga basher ninyo hehe.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Ayanaaa na mag plan as a family na din kayooo happy for you both don’t mind the bashers let them bark! Wala namang naambag sa buhay ninyu yown! Always remember people who ain’t happy in others success are miserable in real life.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending