Enzo Almario may 2 pang kasama habang inaabuso ni Danny Tan

Enzo Almario may 2 pang kasama habang inaabuso ni Danny Tan

Therese Arceo - September 26, 2024 - 09:36 PM

Enzo Almario may 2 pang kasama habang inaabuso ni Danny Tan

Enzo Almario | Screengrab from YouTube/Ogie Diaz

[Trigger warning: mention of sexual abuse, rape]

IDINETALYE ng singer na si Enzo Almario ang diumano’y ginawang sekswal na pang-aabuso na sinapit niya sa kamay ng musical director na si Danny Tan.

Sa kanyang naging panayam kay Ogie Diaz na mapapanood sa YouTube channel nito ay ikinuwento niya ang iba pang detalye sa pananamantala sa kanya ng musical director kung saan bukod sa kanya ay mayroon pang dalawang menor de edad itong biktima.

Pagbabahagi ni Enzo, nangyari ang umano’y pang-aabuso sa kanya ni Danny Tan noong nagte-training sita sa dating GMA group na “Sugarpop”.

“I felt I was safe with him kasi I never saw that one day [na] magiging gano’n siya sa amin. I never saw him as a predator.

Baka Bet Mo: Enzo Almario umamin, na-rape rin ng umabuso kay Gerald Santos

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

“May mga moments na ‘pag wala kaming training, magba-bonding kami. The very first time that this happened, dapat may kasama po talaga ako but sa last minute, hindi nakarating ‘yung dapat kasama namin na bata din. Siguro he saw that as an opportunity,” lahad ni Enzo.

Kuwento ni Enzo, unang nangyari ang pang-aabuso sa kanya sa sinehan at nagtuloy ito sa loob ng opisina ni Danny.

“Multiple times siya nangyari. Hindi kasi siya inask sakin na gawin but parang na-on the spot [ako] na pumayag. Nung una, sobrang confused ako [na] ‘Ano ‘to?’”

“Kahit tanungin ko ‘yung sarili ko ngayon what was running through my head that time, hindi ko alam,” he continued. “Siguro I was very, very curious about it din kasi may sudden feeling ka na foreign to your body,” pagbabahagi ni Enzo.

Inamin rin niya na isa sa mga rason kung bakit hindi siya agd nagsalita at lumantad tungkol sa naranasang pang-aabuso ay dahil hindi niya alam kung dapat ba niya itong isapubliko at ayw niyang ipqaalam ang mga nangyari sa kanyang mga magulang.

“Iniisip ko kung may karapatan ba akong magsalita about it. Tinatanong ko ‘yung sarili ko na ‘ba’t parang ginusto mo naman?’ May gano’ng feeling,” sabi pa ni Enzo.

Ibinunyag rin ng singer na bukod sa kanya ay may dalawang mga bata ang naabuso ni Danny Tan.

“May mga kinakausap ako na kasabayan ko din. When I say kasabayan, as in magkakasabay talaga kami. Nasa isang room kami, sabay-sabay kaming inaano,” sey ni Enzo.

Nangyari daw ito noong nasa edad 12-13 years old sila.

Pagpapatuloy pa ni Enzo, “Basta po ‘pag magbu-book na ng resort sa Pansol, alam ko na ‘yung mangyayari. Lagi akong may kasamang isa, and then may isang time na nadagdagan kami ng isa pa. Bale tatlo kami.”

Wala naman nang ibinigay pang detalye si Enzo tungkol sa dalawang tao na kanyang naikuwento dahil nirerespeto niya ang mga ito.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Nagpasalamat naman ang aktor na hindi maayos ang estado ng kanyang mental health ngunit thankful siya na mayroon siyang magandang support system.

“I felt empowered kasi ‘di ko na-imagine na one day I’ll talk about this… And siguro sana ‘yung mga naka-experience din ng ganito magkaroon din sila ng lakas ng loob,” sabi pa ni Enzo.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending