Sandro ‘waiting’ pa sa pasya ng DOJ laban sa 2 kinasuhan: ‘Hindi ako binayaran!’
Trigger Warning: Mentions of rape, sexual abuse, sexual harrassment
“NEVER po akong magpapabayad for settlement.”
‘Yan ang naging sagot ni Sandro Muhlach kaugnay sa kasong sexual abuse laban sa GMA independent contractors na sina Jojo Nones at Richard Cruz.
Sa Instagram Stories, ibinandera ni Sandro ang screenshot na mababasa ang ilang komento mula sa netizens na inuusisa ang update sa nasabing legal battle.
May mga nagsasabi pa nga na baka binayaran na umano ang aktor kaya bigla na itong nanahimik.
Baka Bet Mo: Alyssa Muhlach natakot sa nangyari kay Sandro: ‘I really couldn’t believe it!’
“Sandro, ano nga bang nangyari sa kaso mo? Binayaran ka ba para manahimik?” tanong ng isang nagkomento.
Sey pa ng isa, “Nabalewala lang [‘yung] pinaglaban ni [Sandro].”
Ang sagot naman ni Sandro, inaantay pa kasi nila ng kanyang legal team ang pasya ng korte.
“Still waiting for the resolution of DOJ (Department of Justice) and GMA Legal,” caption niya sa post.
Paglilinaw niya, “Hindi po ako binayaran and never po ako magpapabayad for settlement.”
“Kahit po kami ng legal team ko naghihintay sa case,” dagdag pa ng baguhang aktor.
Apela niya pa sa publiko, “‘Wag niyo po pangunahan lahat. I will not be silenced. Just wait.”
“We have more yet to reveal,” giit pa niya.
Magugunitang nagsimula ang sexual abuse umano kay Sandro matapos ang GMA Gala 2024 noong July 20.
Makalipas ang isang buwan, nagsampa na ng kasong rape through sexual assault and several acts of lasciviousness si Sandro laban kina Jojo at Richard sa DOJ.
Ang alleged sexual abuse ay iniimbestigahan din sa Senado bilang parte sa isinasagawang pagdinig kaugnay sa sexual abuse sa entertainment industry.
Diyan ibinunyag ng aktor na maliban sa panghahalay ay tinuruan din siyang gumamit ng ilegal na droga.
Nagsumite rin si Sandro ng HR complaint sa GMA dahil sa ginawa ng dalawang contractors.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.