SV 'di gagamitin si Rhian sa politika, umaming may death threats

SV ‘di gagamitin si Rhian sa politika, umaming may death threats

Ervin Santiago - September 25, 2024 - 06:15 AM

SV 'di gagamitin si Rhian sa politika, umaming may death threats

Sam Verzosa at Rhian Ramos

NEVER gagamitin ng TV host at negosyanteng si Sam Verzosa ang relasyon nila ni Rhian Ramos sa pagtakbo niyang mayor ng Maynila sa 2025.

Iyan ang siniguro ni Tutok To Win Party-list representative na naghayag na ng kanyang kakandidatura sa pagka-alkalde ng Maynila sa darating na midterm elections sa May, 2025.

Nakausap namin at ng ilang piling miyembro ng entertainment media si Sam o SV sa charity event niya sa isang barangay sa Tondo, Manila nitong nagdaang Linggo, September 22.

At isa nga sa naitanong sa kanya kung may plano ba silang magpakasal ng kanyang girlfriend na si Rhian Ramos bago o pagkatapos ng eleksyon.

“Ayokong ginagamit yan para lang sa mga ganitong panahon kasi baka sabihin…ganyan po kasi ang nakasanayan ng mga tao, ‘Gagamitin yan.’

Baka Bet Mo: Rhian, SV sa pagpapakasal: Mahaba pa ang life, hindi kami nagmamadali

“Hindi natin maikakaila, artista po siya. Nakausap ko siya, sabi ko, ‘Hinding-hindi ko gagawin yung ginagawa ng iba.’ Ayoko na pong magsalita.

“Parang self-serving naman para sa akin na ginagamit natin. Sana huwag muna nating pag-usapan yan,” ang pagpapakatotoo ni SV.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by SV (@samverzosa)


Aniya pa, “Kapag natapos na ang lahat ng ito, basta kasama ko po siya sa lahat ng magagandang hangarin natin na makatulong.”

Handa na rin daw ang host ng Kapuso public service program na “Dear SV” sa mga paninirang gagawin sa kanya ngayong nag-announce na siyang tatakbong mayor.

“Marami na nga po ang naninira pero, sabi nga, you cannot put a good man down. Kapag may ginagawa kang mabuti, ano pa ang sasabihin nila?

“Basta ako, wala akong ibang gagawin kundi puro pagtulong at kabutihan. Kung gusto nila pigilan, hindi ho tayo magpapapigil.

“Alam n’yo ho, yung ugali ko, kahit noong bata ako, dina-down na ako buong buhay ko. Du’n ko nakukuha yung motivation. Du’n ako lalong nanggigil na magsumikap.

“Kaya lalo nila kaming ginigipit, lalo nila kaming sinisiraan, salamat po sa inyo, lalo akong nanggigigil na ibigay ang lahat ng meron ako.

“Marami yun kaya magsasawa kayo sa kasisira sa akin dahil lalo ko kayong bibigyan ng dahilan para sumama sa movement na ito,” pahayag ni Sam.

Ipinagdiinan pa niya na hindi siya tatakbo sa 2025 para mamolitika, Ginagawa ko ito para maging inspirasyon at para gayahin ng iba.”

Inamin din ni SV na ngayon pa lang ay nakakatanggap na siya ng mga death threats pero hindi raw ito magiging handlang para umatras siya sa laban.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Hindi raw siya natatakot dahil alam niyang anak siya ng Diyos at wala siyang ginagawang masama.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending