Rhian, SV sa kasal: Mahaba pa ang life, hindi kami nagmamadali

Rhian, SV sa pagpapakasal: Mahaba pa ang life, hindi kami nagmamadali

Ervin Santiago - September 17, 2024 - 11:36 AM

Rhian, SV sa pagpapakasal: Mahaba pa ang life, hindi kami nagmamadali

Rhian Ramos at Sam Verzosa

TATLONG taon nang magkarelasyon ngayon ang Kapuso actress na si Rhian Ramos at ang TV host-public servant na si Sam Verzosa.

Aminado ang celebrity couple na hindi rin perfect ang kanilang relationship pero palagi pa rin nilang pinipili ang isa’t isa kapag may mga pagsubok silang pinagdaraanan.

Nitong nagdaang July ay ipinagdiwang nina Rhian at Sam ang kanilang 3rd third anniversary as a couple at sinisiguro raw nila na kahit pareho silang busy sa kanilang respective career ay naglalaan pa rin sila ng quality time para sa isa’t isa.

Baka Bet Mo: Rhian Ramos sinorpresa si Sam Verzosa sa 1st anniversary ng ‘Dear SV’

Saksi kami kung paano suportahan ni Rhian ang Tutok To Win Party-List Representative nang sorpresahin niya ito kahapon, September 16, sa thanksgiving party na in-organize nito sa Manuel L. Quezon University sa Maynila.

Nakasama nina Sam at Rhian ang mga masusuwerteng kababayan natin na napili ng programang “Dear SV” na mabiyayaan ng food business bilang bahagi na rin ng birthday celebration ng kongresista.


Nakachikahan ng ilang members ng entertainment media sina Rhian at Sam pagkatapos ng naganap na turnover ng may 100 food cart business sa mga taga-Maynila at dito nga sila natanong tungkol sa kanilang tatlong taong relasyon.

Sabi ng Kapuso actress, “Ang dami kong natutunan talaga. Not just about relationships, about myself din, about Sam, about being a good partner, and what that really means, what healthy communication is.

“Siyempre kapag may away, doon mo lang matututunan kung ano ang healthy communication and healthy arguing. Ngayon ko lang talaga nadi-discover. We try to be as patient with each other as possible. We support each other no matter what,” sey ng aktres.

Para naman sa host ng public service program na “Dear SV”, “Nag-grow ako as a person. I’ve matured. Ito na ‘yung one of the best versions of myself.

“Dahil sa kanya nga, lalo pang nailabas ‘yung mga magaganda sa akin at nabawasan ‘yung mga hindi magaganda at nabago ko ‘yung hindi magagandang ugali. Lahat ‘yun nagawa ko dahil sa pagmamahal,” sabi ng TV host.

Aminado naman ang dalawa na medyo nahihirapan talaga silang humanap ng oras para magkaroon ng mahaba-habang panahon para sa isa’t isa.

“Ngayon pa lang, hirap na kaming gumawa ng time para sa isa’t isa. Ginagawan na lang talaga namin ng paraan kunwari pag-uwi ko from taping, we’ll have a couple of hours together,” chika ni Rhian.


“Nakakapaghanap naman kami ng ways to spend a lot of time together. We go on vacation. If I have work near his house, I’ll standby at his house muna,” dagdag pa ng dalaga.

Sey naman ni SV, “Kapag nagta-travel, mas nakikilala namin ang isa’t isa kasi walang istorbo. Napag-uusapan ang buhay, ang future, naaayos ang hindi napag-uunawaan.”

Muli ring nausisa ang celebrity couple tungkol sa pagpapakasal, may wedding bells na bang maririnig ang kanilang supporters anytime this year or next year?

Sagot ni Rhian, “Mahaba pa ang life. Hindi naman kami nagmamadali. Darating din ‘yan.”

Agree naman dito si SV, “Lahat may tamang panahon. Darating po ‘yan. Siyempre ‘yung future namin, napapag-usapan namin. We’re both mature individuals.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Tinitingnan namin ‘yung future namin kasi kaya nga kami nagsasama para planuhin ‘yung magandang future namin. Dahil sa growth na nangyari, alam na namin ang gusto at ayaw namin sa isa’t isa,” sabi pa ni Sam Verzosa.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending