Daniel naghahabol sa pagiging action star nina Richard at Ian

Daniel naghahabol sa pagiging astig na action star nina Richard at Ian

Ervin Santiago - September 16, 2024 - 07:05 AM

Daniel naghahabol sa pagiging action star nina Richard at Ian

Ian Veneracion, Richard Gutierrez at Daniel Padilla

ABANGERS na ngayon pa lang ang mga loyal supporters ni Daniel Padilla sa comeback TV series nitong “Incognito” mula sa ABS-CBN Studios.

Pinusuan at umani ng sandamakmak na comments mula sa mga netizens ang inilabas na teaser para sa naturang serye pati na rin ang mga litrato na kuha sa taping nina Daniel sa El Nido, Palawan.

Makakasama ng dating boyfriend ni Kathryn Bernardo sa “Incognito” sina Richard Gutierrez, Ian Veneracion, Baron Geisler, Kaila Estrada, Anthony Jennings at Maris Racal.

Mahirap at talagang sakripisyo ang lahat ng cast members at production team sa taping nila sa El Nido. Sey ni DJ sa panayam ng ABS-CBN, “Medyo inulan… ulan araw, ulan araw, pero masaya maganda mga nakunan du’n.”

Baka Bet Mo: Andrea Brillantes pinatunayang loyal pa rin sa ABS-CBN: ‘Kumbaga, kasal na ako sa kanila kaya bakit ko sila hihiwalayan!?’

Ang “Incognito” ang masasabing pagbabalik ni Daniel sa action-drama.  Ang huling sabak pa niya sa maaaksyon at buwis-buhay na mga eksena ay sa “La Luna Sangre” pa na ipinalabas noong 2017.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by J Castles (@jcastles_)


“So far, very professional naman lahat. Si Chard nanggaling sa ‘Iron Heart’, si Tito Ian from action din. Ako yung naghahabol ngayon sa kanila, buti na lang mga kaibigan ko sila, at inaalalayan nila ako,” pahayag ni DJ sa nasabing interview.

Sey pa ng aktor, bago raw sila sumabak sa shooting ng “Incognito” ay sumailalim muna sa iba’t ibang training kabilang na riyan ang “Pekiti”, na isang uri ng martial arts.

“Nag-training kami. We had two, three months of training before doing this. Talagang pinaghandaan nang maigi, siyempre ayaw nating magmukhang nagpapanggap doon. Gusto natin totoo lahat,” pahayag ni DJ.

Pagbabahagi pa ng aktor, pagkatapos ng taping nila sa El Nido, Palawan ay lumipad agad sila patungong Italy para naman doon kunan ang pasabog na pilot week ng serye.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending