Boss Toyo emosyonal sa pagsilang ng 2nd baby; walang-wala noon

Boss Toyo emosyonal sa pagsilang ng 2nd baby; walang-wala noon

Ervin Santiago - September 12, 2024 - 12:20 AM

Boss Toyo emosyonal sa pagsilang ng 2nd baby; walang-wala noon

Boss Toyo at Toyo Liit

ISINILANG na ang second baby ng content creator-businessman na si Boss Toyo at ng kanyang asawang si Joy kahapon, September 10.

Nagbahagi ang “Pinoy Pawnstar” vlogger sa kanyang Facebook page ng litrato nila ng kanyang ikalawang anak na tinawag niyang “Toyo Liit.” Kalung-kalong niya ang baby na kuha sa loob ng ospital.

Aniya sa caption, “Hindi ito ang aking unang anak pero ito ang unang anak ko na napaghandaan lahat — mula sa mga gamit, sa doctor, at hospital, pati paglabas nya.

Baka Bet Mo: Kotse ni Daniel ibinenta kay Boss Toyo sa halagang P6.5-M, binili kaya?

“Ito ay napaghandaan naming dalawa ng mami Loves Jhoy mo,” ang nakasaad sa caption ng kanyang FB status.

Inalala rin ni Boss Toyo ang panahong kailangan niyang magtrabaho nang magtrabaho para may pambili sila ng gatas at diaper para sa una niyang anak.


“Kung dati eh ang iniisip ko paano na ang mga diaper, gatas, at panggastos, ngayon ‘yung future mo na ‘yung tinitingnan namin,” pahayag pa ng vlogger.

“Dati ni pangcheckup wla ako. Dati ultimo new born screening inuutang ko.  Sino dito nabili ng diaper ng happy 4pcs lng kc un lang pera sa bulsa,” ang sey pa ni Boss Toyo.

Nangako rin siya na gagawin niya ang lahat para mapalaki niyang mabuting tao si Toyo Liit at mabigyan ito ng magandang buhay.

“Mabuti na lang talaga at naging mabait sa atin si God at hindi niya na hinayaan na maranasan natin anak ‘yung mga naranasan ko dati. Welcome, anak!!

Baka Bet Mo: ‘Ex-lover’ ni Francis M na si Abegail Rait kay Boss Toyo: ‘Thank you for making us part of Kiko’s legacy’

“Palalakihin kitang may takot sa Diyos, may respeto sa kapwa, at may ginintuang puso. Si Toyo ito ‘mah men’ kasama si Toyo liit,” pahayag pa ni Boss Toyo.

Libu-libong netizens naman ang nagpaabot ng pagbati kina Boss Toyo at Joy. Narito ang ilan.

“Congrats Boss Toyo at tunay na ang panginoon ay buhay na laging nasa tabi natin para umalalay,god bless you more.”


“Congrats poh. relate poh ako SA  gnyan lalo na SA bahay Lang ako nanganak SA tatlong anak KO.”

“Congrats  Boss Toyo. Ganyan din po ako dati sa anak ko. Kapos pero ginagawan ng paraan maiahon lang. Salamat sa inspirasyon!”

“Wow congratulations idol at maam love jhoy congratulations sa inyo mg asawa. welcome to the world baby.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Same po boss Toyo sa bunso po namin kahit papano mula pinagbubuntis monthly check up sa private dp lumalabas kumpleto n po sa gamit na hindi rin po naranasan ng una at pangalawa naming anak. pero sabi nyo nga po sadyang mabuti ang Panginoon basta sa kanya k magtiwala hindi man ganun karangya ang buhay pero masasabi ko n khit papano hindi n ganun kahirap tulad ng dati. Thank you Lord palagi.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending