Kotse ni Daniel ibinenta kay Boss Toyo sa halagang P6.5-M

Kotse ni Daniel ibinenta kay Boss Toyo sa halagang P6.5-M, binili kaya?

Reggee Bonoan |January 15,2024
facebook
share this

Kotse ni Daniel ibinenta kay Boss Toyo sa halagang P6.5-M, binili kaya?

Reggee Bonoan - January 15, 2024 - 04:59 PM

Kotse ni Daniel ibinenta kay Boss Toyo sa halagang P6.5-M, binili kaya?

INALOK ng car dealer na F2A ang Orange Chevrolet Corvette Stingray car 0 C7 ni Daniel Padilla kay Boss Toyo ng “Pinoy Pawnstars.”

Base sa Facebook post ng F2A car dealer na si Franz Akeem Aldover kaninang tanghali, “Corvette ni Daniel Padilla ibebenta namin kay Boss toyo! Pinoy Pawnstars.

“Let’s go ! Geng geng! #F2ACARS #Garage888PH #Pinoypawnstars.”

Sabi ni Boss Toyo, tinawagan siya at may iaalok ang car dealer na hindi niya mahihindian at ipinost niya sa kanyang YouTube channel ang nasabing negosasyon.

Sabay pakita ng video ng napakagandang sports car ni Daniel at ang mga dokumentong hawak ni Franz kay Boss Toyo kasama na ang car key. Na-acquire ito noong 2015.

Baka Bet Mo: Francis M jersey na ibinenta ni Abegail Rait, binibili ng P2.5-M kay Boss Toyo?

Bumaba ang mag-asawa sa parking at habang pababa sa parking lot ay natanong ni Boss Toyo ang car dealer kung bakit ibinebenta.

“Siguro Boss, sawa na, retired na.  ‘Yan ‘yung kauna-unahang nabili niyang sports car,” sagot sa kanya.

Umupo sina Boss Toyo at asawa niya sa kotse at talagang hangang-hanga sila at paulit-ulit na sinasabi ng wifey na, “Feeling Kathryn Bernardo ako dito.”

Base sa pag-uusap nina Franz at Boss Toyo ay inalok niya ng P6.5 million para sa sports car ni DJ. Unang tawad ng may-ari ng “Pinoy Pawnstars”, “P5.5M?”

“Medyo mababa, hindi kaya Boss, eh, P6.2M,” tugon ng car dealer.

Hirit ulit ni Boss Toyo, “Nagbawas lang siya (Daniel) ng sasakyan? 5.6M.”

Second owner na pala si Daniel ng nasabing sasakyan na binili raw nila sa kaibigan niya.

Pinaka-last Boss, “P6M.”

Bumulong ang wifey ni Boss Toyo nang nakangiti at sabi ng huli, “P5.7M”

Sabi ng misis nito, “Sige na Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, nakaupo si Kathryn Bernardo, feeling Kathryn Bernardo ako no’n?”

Sabi ulit ni Boss Toyo, “P5.8M”

Baka Bet Mo: Jiro: Feeling ko kasi susuwertihin din ako kapag na-meet ko si Boss Toyo

As of now ay nasa mahigit anim na milyon pa rin ang market value ngayon ng C7 sports car ng aktor ayon sa car dealer.

Muling ipinilit ni Boss Toyo ang 5.8 million pesos na tawad niya sa sasakyan pero nagsabi si Franz na sagad na ang P6M.

Pero hindi pumayag ang car dealer kaya nagsabi na si Boss Toyo, “Pasensya na, hanggang 5.8M lang ako (sabay kinamayan ang dealer).”

Nagsabi pa si Boss Toyo na baka pagbalik ay baka P5.8M na nila ito ibebenta pero kapag na-post na ito ng F2A dealer ay siguradong mabebenta na nila agad ito.

Tinanong kung ano ang history ng nasabing sports car at ang kuwento ng kasama ni Franz, “Bale ‘yan po ang unang sports car ni Daniel at bale share sila ni Kathryn.”

“Ohhh, kaya binebenta. May memories pala ‘yung saskayan na ‘yun,” saad ni Boss Toyo na hirit naman ng asawa niya, “Nalulungkot naman ako.”

“Sayang, sorry, lika na labs baka mapagastos pa ako,” sabi ni Boss Toyo sa asawa.

May mga nabasa naman kami sa comments section mula sa netizen na si @negroman1987, “Scripted lng yan nag promote lng ng car shop yan marketing strategy hindi basta basta mag lalabas ng ganyan kalaking pera c boss Toyo geng geng.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Biro naman ng netizen na si mharkdavidgolfo5321, “Baka mghiwalay kayo dyan mam joy boss toyo. Hahaha.”

Posibleng ayaw nang maalala ni Daniel ang sasakyang share sila ni Kathryn kaya niya pinabebenta or baka naman hinihingi ng aktres ang share niya sa car?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending