Matutina ng 'John en Marsha' may nilalabanang karamdaman

Matutina ng ‘John en Marsha’ may nilalabanang karamdaman: Masakit!

Ervin Santiago - September 11, 2024 - 06:31 PM

Matutina ng 'John en Marsha' may nilalabanang karamdaman: Masakit!

Matutina, Nida Blanca, Dolphy, Dely Atay-Atayan at Julius Babao (Screen grab from UNPLUGGED)

MISS na miss na ng komedyanang si Matutina ang malalapit na kaibigan sa showbiz na pumanaw na kabilang na sina Dolphy at Nida Blanca.

Nakasama nang matagal na panahon ni Matutina o Evelyn Bontogon sa tunay na buhay ang Comedy King at ang premyadong aktres na si Nida sa comedy show nila noong “John en Marsha”.

Nagsimula sa mundo ng showbiz si Matutina noong dekada 70 hanggang dekada 90 kung saan nakagawa siya ng napakarami ring TV show at pelikula.

Baka Bet Mo: Janine Tugonon ibinandera ang pagbubuntis: ‘Baby girl en route!’

Pero ang talagang tumatak sa mga Pinoy viewers noon ay ang kanyang role sa classic at hit TV series na “John en Marsha” bilang masungit at epal na kasambahay ni Donya Delilah na ginampanan ni Dely Atay-Atayan na pumanaw na rin ilang taon na ngayon ang nakararaan.

Tuwang-tuwa sa kanya ang mga manonood lalo na kapag nag-aasaran at nagbabaraldagulan sila ni Mang Dolphy na gumanap sa makasaysayan ding karakter bilang John Purontong.

Sa panayam kay Matutina ng broadcaster at news anchor na si Julius Babao, nasa-sad daw siya kapag nagbabalik-tanaw siya sa naging buhay niya sa showbiz dahil karamihan nga sa mga kasabayan niya ay pumanaw na.

Nagiging emosyonal daw siya kapag naaalala niya sina Dolphy, Nida at iba pa nilang kasamahan

“Nakakalungkot. Ang dali nila mawala. Pero nagpapasalamat ako kay Lord dahil binibigyan ako ng extension pero pinapahirapan naman ako.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Julius Babao (@juliusbabao)


“E, pasalamat pa rin ako dahil ito pa rin buhay. Nakikita pa rin ‘yung nangyayari sa paligid,” sabi ng veteran comedienne na 78 years old na ngayon.

Baka Bet Mo: Willie tinulungan noon si Dolphy, sey ni Cristy Fermin: Kaya laging pinagpapala si Willie ay dahil butas ang palad niya

Nakikipaglaban ngayon sa sakit na osteoporosis si Matutina. Hirap na raw siyang maglakad kaya madalas ay inaalalayan na lamang siya ng kanyang mga kaanak o di kaya’y nasa wheelchair.

Naikuwento rin niya kay Julius ang tungkol sa kanyang pagda-dialysis sa loob ng mahigit siyam na taon.

“Na-detect ng osteoporosis. Ang gamot doon ‘yung injection of P12,000 in six months bago pa maulit ‘yung isang injection na iyon. E, may pain reliever naman binibigay pero talagang masakit,” pagbabahagi ni Matutina.

Nabanggit din niya na malabo na rin ang kanyang mga mata ay nabibingi na rin pero aniya, hindi pa naman daw siya nakakalimot at sharp pa rin ang memory.

Samantala, ipinanood naman ni Julius sa beteranang komedyana ang video message mula sa isa niyang co-star sa “John en Marsha”, walang iba kundi ang Diamond Star na si Maricel Soriano, na gumanap namang anak nina Dolphy at Nida sa naturang sitcom.

Mensahe ni Marya kay Matutina, “Gusto ko malaman kumusta ka na, ano ginagawa mo, kasi sobra na kita nami-miss.

“‘Yung mga ano, those are the days sa atin, ‘di ba? Sobra kita na-miss promise. Sana magkita tayo Ate Matu,” ang bahagi ng mensahe ni Maricel.

Todo naman ang pasasalamat si Matutina sa mga taong patuloy na nagbibigay ng tulong sa kanya pati na ang mga nag-aalay ng panalangin para sa kanyang kalusugan.

Naikuwento rin ni Matutina kung paano siya napasok sa “John en Marsha”. Ang naka-discover raw sa kanya ay ang mismong writer-director ng show na si Ading Fernando.

May isang staff daw ng programa ang nagsabi kay Mang Ading na magaling daw siyang komedyante at bagay na bagay sa “John en Marsha.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Sabi ko, ito na, paangat-angat na ko kasi dream ko rin yung umangat talaga. At isang karangalan na makasama ako sa grupo na yun dahil angat agad ako, e,” sey pa ni Matutina.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending