Maine wish magamit sa susunod na pelikula ang kanta ng Nobita

Maine wish magamit sa susunod na pelikula ang kanta ng Nobita

Ervin Santiago - September 04, 2024 - 06:35 AM

Maine wish magamit sa susunod na pelikula ang kanta ng Nobita

Maine Mendoza at Nobita

SUMANG-AYON kay Maine Mendoza ang maraming netizens sa mga naging pahayag niya tungkol sa OPM band na Nobita.

Todo ang papuring ibinigay ng TV host-actress sa naturang grupo matapos ang guesting ng mga miyembro nito sa kanilang noontime show sa TV5 na “Eat Bulaga.”

Bilib na bilib si Maine sa naging performance ng Nobita sa longest-running noontime program sa Pilipinas kaya naman hindi niya napigilan ang magpadala ng message sa banda.

Baka Bet Mo: Bandang Nobita nilabas na ang first-ever album, hugot na hugot sa kwento ng buhay, pag-asa, pag-ibig

Sa Facebook post ng Nobita nitong nagdaang Lunes, September 2, ibinahagi nila ang screenshot ng mensahe ni Maine para sa kanila.

“Hi guys. Open minded ba kayo? Joke lang. Hehe. Thank you for guesting on ‘Eat Bulaga’ this afternoon! Just wanted to express my admiration, ang galing n’yo!


“Also share ko lang din, there was a time I listened to ‘Ikaw Lang’ on repeat!” ang papuri ng asawa ni Congressman Arjo Atayde sa Nobita.

Dugtong pa niya, “I hope one day, even if I don’t really do acting projects anymore, magamit ko siya sa isang movie. If hindi man ako, I look forward to hearing your songs in films coz you guys deserve it.”

“Congrats on everything!” ang pagbati muli ni Maine sa naturang OPM band na siyang nagpasikat ng mga kantang “Ikaw Lang”, “Unang Sayaw”, “Tayo Na Lang” at marami pang iba.

Super agree naman ang mga fans sa  magagandang sinabi ni Maine about Nobita. Narito ang ilan sa mga nabasa naming comments mula sa netizens.

Baka Bet Mo: SB19, Nobita ginawan ng sariling version ang ilang ‘classics’ ng Eraserheads

“Legit talagang magaling ang Nobita 100% mapapanganga ka sa halimaw na boses ng vocalist nila isama mo pa jan yung mga nag gagalingan nilang guitarist and drummer ng band.”

“HAHAHAHAHA Ikaw Lang yung fav song namin ng ex ko ‘coz nag viral yung vid namin na sinagot ko siya using that song then ngayon ‘di ko na siya pinapakinggan kasi ayaw q na maalala memories namin HAHAHAHA.”

“One of my fave din tong song.”

“Ayun n nga ung open minded ba kayo. tawa ko tlga ke Maine nung guesting nyu sa eat bulaga! So Sweet meng!”

“Maganda Kasi song nyo idol.”

“The best tlga song n yan.”

“I really love that song ‘ikaw lng’.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Maine Mendoza Atayde (@mainedcm)


“First time to heard that song nung kinanta nyo s anilag since then paulit ulit ko ng pinakikinggan more song pls.”

“Pareho pala kami ng fave ni Menggay na song.”

“‘Ikaw Lang’ is the music we used for our Prenup video.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ni-launch ng Nobita ang kauna-unahan nilang album titled “Butterfly” noong July, 2023 na naglalanan ng 8 kanta.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending