'Eat Bulaga' hosts pinuri sa naging aksyon sa Peraphy contestant

‘Eat Bulaga’ hosts pinuri sa magandang response sa Peraphy contestant

Therese Arceo - August 10, 2024 - 12:13 PM

'Eat Bulaga' hosts pinuri sa magandang response sa Peraphy contestant

HINANGAAN ng publiko ang naging aksyon ng mga “Eat Bulaga” hosts sa kung paano iha-handle ang kanilang contestant sa “inappropriate” behavior nito.

Mattandaang noong Miyerkules, August 7, sa kalagitnaan ng kanilang “Peraphy Express” segment bigla na lamang umakto nang hindi maintindihan ang contestant na si Angelito Calida na nagdulot ng pagkabahala sa mga hosts at audience kung ano ang nangyayari sa kanya.

Maya-maya ay bigla na lang itong naglakad papunta sa “Singer Queen” na si Anne at sinubukan itong yakapin.

Agad ngang lumapit ang “Eat Bulaga” hosts na sina Bossing Vic Sotto, Miles Ocampo, at Ryzza Mae Dizon upang pigilan ito at sinubukang kausapin ito patungkol sa kung anong nangyayari sa kanya.

Bago pa kasi ang laro ay tila kakaiba na ang galaw ng contestant ay weird na ang mga galaw nito kaya matapos ang kakaibang galaw nito ay kinausap siya ng medical team ng show kaya pinalitan na lang siya ng kanyang kakilala para ipagpatuloy ang laro.

Baka Bet Mo: Eat Bulaga pasok sa Top 5 Longest Running TV Show sa buong mundo

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Ayon sa inilabas na pahayag ng “Eat Bulaga” ay nakaramdam ng “extreme nervousness” si Angelito na naging rason kung bakit naging kakaiba ang mga kilos at galaw nito.

Sa kanilang episode noong Huwebes, sinabi ng mga hosts sa audience na huwag mag-atubiling magsabi sa management o sa kanila kung may kakaiba silang pakiramdam sa mga nangyayari.

Marami naman sa mga netizens ang nagbigay ng opinyon patungkol sa kanilang obserbasyon sa mga nangyayari.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Panic attack po Yan nangyari po sakin yn d ko alam San ako susuling gang sa mawala po don’t bash him po tnx,” saad ng isang netizen.

Comment naman ng isa, “Actually, naisip ko talaga is panic attack. Bakit ko nasabi, kase I am someone diagnosed with GAD and manifestation ko is panic attack. My initial coping mechanism is to move around and shake off the panic kase buong body mo talaga manlalamig. Not sure lang why need nya yumakap.”

Sey naman ng isa, “Di naman Cguro baliw…I’ve been with people with ASD,  pwedeng Meron din sya nun pero high functioning sya (mild or nasa spectrum sya)…Kasi sobra din yung pagtabi nya k Bossing kanina e..Hindi uso ang personal space sa kanya…or may mental health issues.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending