Peraphy contestant nagsalita na: Ako'y may seizure disorder

Peraphy contestant na si Angelito nagsalita na: Ako’y may seizure disorder

Pauline del Rosario - August 12, 2024 - 05:13 PM

Peraphy contestant na si Angelito nagsalita na: Ako'y may seizure disorder

PHOTO: Screengrab from Eat Bulaga

PARA matapos na ang agam-agam ng ilang Marites, nagpaliwanag na ang nakaraang contestant ng noontime show na “Eat Bulaga.”

Magugunitang nag-trending sa social media si Angelito Calida dahil tila nawala siya sa sarili habang naglalaro sa segment na “Peraphy Express.”

Sa isang Facebook post, unang nilinaw ng viral contestant na ang pinatatamaan niya sa mga naunang posts ay mga basher.

“Sa mga netizens na nag nag-comment sa mga post ko, hindi po ang TVJ  Eat Bulaga ang sinasabihan ko ng walang respeto. Nagpapasalamat pa po ako sa kanila dahil inasikaso po nila ako backstage, at ibinigay ng buo ang akin pong napanalunan. Araw-araw ko po silang pinapanood at sinusuportahan,” panimulang sinabi ni Angelito.

Patuloy niya, “Ang tinutukoy ko pong walang respeto ay ang mga taong nag-judge sa akin kung bakit ko nagawa ang lahat ng yan lalo na po kay SQ Ann.”

Baka Bet Mo: Andrea nagka-eating disorder; hiyang-hiya nang tinadtad ng pimples ang face

At kasunod niyan ay ibinunyag niya na matagal na siyang may “seizure disorder” at under medication pa rin daw siya.

“Pasensya na po kayong lahat at marami pong salamat sa mga taong nakaunawa po sa aking kalagayan. Ingat po tayong lahat,” mensahe pa niya sa madlang pipol.


Kung matatandaan noong August 7, bigla nalang umakto nang hindi maintindihan si Angelito na nagdulot ng pagkabahala sa mga host at audience.

Maya-maya ay bigla na lang itong naglakad papunta sa “Singer Queen” na si Anne at sinubukan itong yakapin.

Agad namang lumapit ang “Eat Bulaga” hosts na sina Bossing Vic Sotto, Miles Ocampo, at Ryzza Mae Dizon upang pigilan ito at sinubukang kausapin ito patungkol sa kung anong nangyayari sa kanya.

Tinawag nila ang medical team ng show upang kausapin si Angelito at ang nagtuloy ng laro ay ang mga kasama niyang nagpunta sa studio.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ayon sa inilabas na pahayag ng “Eat Bulaga,” nakaramdam ng “extreme nervousness” si Angelito na naging rason kung bakit naging kakaiba ang mga kilos at galaw nito.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending