Bandang Nobita nilabas na ang first-ever album, hugot na hugot sa kwento ng buhay, pag-asa, pag-ibig
FINALLY! Nilabas na ng Pinoy alternative rock band na Nobita ang kauna-unahan nilang album sa loob ng halos limang taon mula nang mabuo ang kanilang grupo.
Ang kanilang full-length album ay pinamagatang “Betterfly” under Sony Music Entertainment.
Walong kanta ang tampok sa nasabing album at ito ay relate na relate sa mga hugot natin sa buhay, lalo na pagdating sa pag-asa at pag-ibig.
Habang ang mga awitin ay isinulat at co-arranged mismo ng Nobita, ang naturang record naman ay co-produced ng kanilang constant collaborator na si Isagani Palabyab ng Monostery Studio.
Ang nangungunang track sa “Betterfly” ay ang kantang “Paruparo Na Walang Hanggan” na kung saan ay tinatalakay nito ang kilig na idinudulot ng matinding pag-ibig sa isang tao.
Bukod diyan, nilalaman din ng album ang mga awiting “Kahit Sandali,” “Sa Ulan,” “Hay Buhay,” “Totoo,” “Paano Uusad,” “Bukang Liwayway” at “Kalangitan.”
Baka Bet Mo: SB19, Nobita ginawan ng sariling version ang ilang ‘classics’ ng Eraserheads
Ang first album ng banda ay mapapakinggan na sa lahat ng digital music platforms, kabilang na ang Apple Music, YouTube Music, at Spotify.
Para sa mga hindi pa masyadong aware, nagsimulang sumikat ang Nobita dahil sa hit songs na “Ikaw Lang” at “Unang Sayaw.”
Ang dalawang nabanggit na kanta ay kabilang sa “most streamed OPM tracks” sa Spotify.
Taong 2018 nang mabuo ang banda at ang mga miyembro ay sina Jaeson Felismino (vocalist/guitar), Sam Aquino (lead guitar), Mark Quintero (bass), Richmond Bancolita (Keyboard), Roman Lester Monegas (drums).
Related Chika:
Donny Pangilinan ibinandera ang ipinatatayong dream house: ‘Almost there!’
BTS Jung Kook nilabas na ang debut single na ‘Seven’, music video #1 trending sa YouTube
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.