AJ Raval ayaw nang maghubad, magpa-sexy: Hindi para sa akin

AJ Raval ayaw nang magbilad ng katawan: Hindi talaga para sa akin

Ervin Santiago - September 03, 2024 - 12:10 AM

AJ Raval ayaw nang magbilad ng katawan: Hindi talaga para sa akin

Aljur Abrenica at AJ Raval

TULUYAN nang kalilimutan at titigilan ng original Vivamax Queen na si AJ Raval ang pagpapa-sexy at paghuhubad sa pelikula.

Feeling ng partner ni Aljur Abrenica, ay hindi raw para talaga sa kanya ang paggawa ng mga sexy movies kaya nagdesisyon siya na iwan muna pansamantala ang pag-aartista.

Sa panayam ni Julius Babao kay AJ para sa kanyang YouTube channel, ipinaliwanag nga niya kung bakit bigla siyang tumigil sa paggawa ng pelikula sa Vivamax.

Baka Bet Mo: Relasyon nina AJ Raval at Aljur Abrenica wala pang label; Jeric Raval umabot na sa 19 ang anak

Naisip niyang mag-focus muna sa kanyang personal life at self-improvement, kabilang na riyan ang pagbabalik niya sa pag-aaral upang tuparin ang pangarap niyang magkaroon ng college diploma.

Ngunit nilinaw ni AJ na hindi pa rin niya tuluyang lalayasan ang mundo ng showbiz dahil minahal na rin daw niya ang kanyang trabaho bilang artista.

“Actually, kagagaling ko lang sa Viva, marami na rin kaming plans this year,” ang pahayag ni AJ.

“Nagpo-focus ako ngayon sa self-improvement. Parang gusto ko gamitin yung career ko, yung influence ko in a good way,” paliwanag pa ng dalaga na umaasang kahit paano’y maging inspirasyon siya ng ibang kabataang nangangarap.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Aj Raval (@ajravsss)


Tungkol naman sa pagiging hubadera niya noon, sinabi ni AJ na sana’y dumating ang araw na hindi lamang ang paghuhubad niya sa mga ginawang pelikula ang tumatak sa isip ng mga manonood.

“Maraming nakakilala sa akin bilang ‘sexy star,’ ang gusto kong i-promote sa sarili ko is yung change. Lahat ng tao kayang magbago,” sabi pa ng anak ng action star na si Jeric Raval.

“Hindi kasi pwedeng wala kang goal, dapat may goal ka, pakita mo sa mga tao na maayos ka,” katwiran pa ni AJ.

Inamin din ng aktres na hindi siya nakararamdam ng fulfillment sa mga ginagawa niyang sexy movies.

Baka Bet Mo: AJ Raval kumpirmadong buntis, si Aljur Abrenica nga ba ang ama?

“Marami eh, pero don’t get me wrong. Siyempre love ko yung mga boss ko. Pero hindi kasi para sa akin talaga,” mariing sabi pa ng dalaga.

Sa ilang taon daw niyang pananatili sa showbiz ay napapansin niyang parang hindi na niya kilala ang sarili, “Lumalaki kasi tayo, sa totoo lang, nakakalimutan natin kung sino tayo.”

“Gusto kong gayahin nila yung paano ka, improvement mo, health, exercise, work out, quality time sa family,” dugtong ng partner ni Aljur.

Samantala, sinagot din ni AJ ang mga tsismis na inagaw at inahas daw niya si Aljur sa estranged wife nitong si Kylie Padilla.

“Yung totoo nu’n, hiwalay na talaga sila ng ilang…may one year na rin yata. Nakasama ko si Aljur sa shooting, technically, single siya.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“But siyempre hindi iniisip ng mga tao na single siya kasi married. Pero single talaga siya non. Tapos nagkakilala kami du’n, du’n na nagstart yung ligawan,” aniya.

“Kinausap din niya yung parents ko and then that time may time na may video call niya yung (ex) wife niya and okay naman. Parang ‘Hi, pasensya ka na,’” pagbabahagi pa ni AJ.

“Yung pinakamasakit lang na sinabi sa akin pati yung family ko yung nadamay,” sabi pa ng aktres.

Nauna na nating nailabas dito sa BANDERA ang paglilinaw ni AJ tungkol sa balitang may anak na sila ni Aljur at itinatago lang daw nila ang baby.

“First of all, hindi po ako taon-taon buntis,” she quipped, the light-hearted response reflected her resilience and determination to rise above the gossip.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Siguro po kung mabubuntis ako ngayon, magalit man yung maraming tao, ako parin po yung pinakamasayang tao sa buong mundo,” aniya pa.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending