Kylie Padilla sa failed marriage nila ni Aljur Abrenica: I wish nagtira ako para sa sarili ko | Bandera

Kylie Padilla sa failed marriage nila ni Aljur Abrenica: I wish nagtira ako para sa sarili ko

Therese Arceo |November 04,2023
facebook
share this

Kylie Padilla sa failed marriage nila ni Aljur Abrenica: I wish nagtira ako para sa sarili ko

Therese Arceo - November 04, 2023 - 01:12 PM

Kylie Padilla sa failed marriage nila ni Aljur Abrenica: I wish nagtira ako para sa sarili ko

MULING binalikan ng Kapuso actress na si Kylie Padilla ang kanilang nagtapos na love story ng estranged husband na si Aljur Abrenica.

Sa kanyang guesting sa “Fast Talk with Boy Abunda” bilang parte ng pagpo-promote sa bago niyang series na “Black Rider”, nausisa siya ukol sa kanyang naging relasyon sa aktor.

“Bakit nagbabago? Why does the love change? So many promises but then biglang…” tanong ni Kylie.

Ito ang unang pahayag ng aktres nang tanungin siya kung ano ang nais niyang isumbong sa King of Talk.

Sunod naman na naitanong kay Kylie ay kung ano ang kanyang natutunan sa nagwakas nilang relasyon ni Aljur.

Hindi naman maiwasan ng aktres na maging emosyonal sa pag-alala sa kanyang mga pinagdaanan.

“Medyo cliché, e, but I wish nagtira ako para sa sarili ko kasi I gave my all talaga,” sagot ni Kylie.

“Kaya tinanong ko bakit nagbabago because, for a time, sa relationship namin, there was a point in my life na dadaanan ninyo talaga as people in relationship will go through. You know, struggles, daraan talaga. Kasama talaga yon.

Baka Bet Mo: Kylie Padilla inalala ang pinagdaanang postpartum depression, pero: I realized there’s a blessing behind it…

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

“But because I made the promise of marriage, even if sabi ko sa sarili ko, ‘Okay, if I’m unhappy now and magiging ganito na yung set-up namin, ipaglalaban ko pa rin para sa mga anak ko.'” lahad ni Kylie na hindi na napigilan ang pag-crack ng boses.

Sa pagpapatuloy ng kuwento ng aktres ay tuluyan na nga itong umiyak dahil marahil nasasaktan pa rin ito sa sinapit ng kanilang pamilya lalo na para sa kanyang mga anak.

“Inubos ko and nauwi rin sa hiwalayan. Galing ako sa broken family so ayokong matulad like… I hate it when people say, ‘Artista yan, papalit-palit lang. That’s their life. Ganoon talaga ang style ng mga artista when it comes to relationship.’ But people don’t know how much it hurt me. It’s very unfair and I wanted more for my kids talaga,” pagbabahagi ni Kylie.

Aniya, nangako raw siya sa sarili na kahit hirap siya sa pinagdaraanang postpartum depression ay ilalaban niya ang pamilya.

“I made a promise talaga to myself, e. Kahit na I went postpartum noon and postpartum was very hard, a very difficult thing for a woman to go through, pero ipinaglaban ko pa rin hanggang sa dulo na paninindigan ko yung ginawa namin na kasal,” sey ni Kylie.

Dagdag pa niya, “The fact na it wasn’t returned, masakit sa akin.”

Inamin rin ni Kylie na hindi siya naniniwala sa pagpapakasal ngunit ginawa niya ito pra magkaroon ng buong pamilya ang mga anak lalo na’t alam niya ang pinagdaanan ng lumaki mula sa broken family.

“Sa totoo lang, I don’t believe in marriage. I don’t. But because I want my kids to have a whole family, I did it. I did it because gusto kong maranasan nila yon, yung buo yon,” sabi pa ng aktres.

Sa kabila naman ng lahat nv kanyang pinagdaanan ay walang nararamdamang pagsisisi si Kylie.

“Walang pagsisisi kasi my kids have really a good relationship with their dad until now.
“And one thing that I don’t want them to go through is wala silang tatay or maramdaman nila na wala silang tatay, so wala akong pagsisisi.

“Saka I don’t wanna hold my ex Aljur in a negative light. Never ever. Magre-reflect yon sa akin,” ani Kylie.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sa kabila ng mga nangyari ay gusto pa rin ng aktres na maging magkaibigan sila ng kanyang ex-husband para sa mga anak na sina Axl at Alas.

Related Chika:
Kylie Padilla 2 years nang itinigil ang pagyoyosi, pero may bagong bisyo

Kylie Padilla aminadong ginagampanan ang pagiging ‘ama’ sa mga anak, miss na maging ‘ina’: Single motherhood is so hard!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending