Kylie Padilla aminadong ginagampanan ang pagiging 'ama' sa mga anak, miss na maging 'ina': Single motherhood is so hard! | Bandera

Kylie Padilla aminadong ginagampanan ang pagiging ‘ama’ sa mga anak, miss na maging ‘ina’: Single motherhood is so hard!

Therese Arceo |April 22,2023
facebook
share this

Kylie Padilla aminadong ginagampanan ang pagiging ‘ama’ sa mga anak, miss na maging ‘ina’: Single motherhood is so hard!

Therese Arceo - April 22, 2023 - 05:11 PM

Kylie Padilla aminadong ginagampanan ang pagiging 'ama' sa mga anak, miss na maging 'ina': Single motherhood is so hard!

MARAMI ang nagpakita ng suporta para sa aktres na si Kylie Padilla sa kanyang pagiging single mother sa dalawang anak na si Axl at Alas.

Sa kanyang Facebook account ay ibinahagi nito ang larawan nilang magkakasama habang nakatingin sa napakagandang view.

“Single motherhood is so hard! I don’t want to mince words anymore. I miss my kiddos. I’m trying to find so many way to explain to them why mama is always away and always tired,” saad ni Kylie.

Tila ipinost ng aktres ang larawan habang malayo siya sa mga anak at marahil ay nasa trabaho ito.

Pagpapatuloy ni Kylie, “I wish I could just hold them forever and make them understand how much they ground me and how much they guide me and how much of what I do is for their future.”

“Konting tiis nalang and you’ll have me the whole day promise. I think I’m ready to mom again, I’ve been dad for quite sometime now huhuhu.”

Baka Bet Mo: Kylie umaming na-diagnose ng post partum depression at anxiety matapos manganak kay Axl: ‘I was no longer the person I used to be’

Buo naman ang suportang ipinakita ng netizens sa aktres at ipinarating kung gaano sila nai-inspire sa ginagawang sakripisyo ng aktres para sa kanyang dalawang anak.

“Sending love maam kylie i always admired you,” saad ng isang netizen.

Comment ng isang netizen, “Stay strong… know that you empowered all [women] out there… for having that strong and kind heart… God will bless you more,” saad ng isang netizen.

“You’re the best mom Kylie!” hirit naman ng isa.

Dagdag pa ng isa, “You [are] doing a great job salute to you!sending hugs!!”

Sina Axl at Alas ay anak ni Kylie sa kanyang estranged husband na si Aljur Abrenica at napagkasunduan nila na i-coparent ang mga anak sa kabila ng kanilang paghihiwalay na kinumpirma nila noong 2021.

Sa ngayon ay tila masaya naman ang dalawa sa kani-kanilang buhay dahil kamakailan lang nang aminin ni Aljur ang kanilang relasyon ni AJ Raval.

Inamin ni Aljur na nag-cheat siya kay Kylie na isa sa mga naging dahilan kaya nagdesisyon sila na maghiwalay na.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
Kylie inatake ng ‘sepanx’ habang naka-quarantine; feeling ‘recharged’ nang makita ang smile ng 2 anak

Kylie Padilla may gustong regalo sa 29th birthday: LOL! Nanay na talaga ‘ko!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending