Dominic Roque ibinandera ang bagong tirahan: ‘Renting only’

Dominic Roque ibinandera ang bagong tirahan: ‘Renting only’

Pauline del Rosario - August 31, 2024 - 02:17 PM

Dominic Roque ibinandera ang bagong tirahan: ‘Renting only’

PHOTO: Instagram/@dominicroque

LUMIPAT ng tinitirhang bahay ang aktor na si Dominic Roque, base sa kanyang Instagram post.

Pero nilinaw niya rin na siya ay nagre-rent o umuupa lamang.

Proud na ibinandera ni Dom ang ilang pictures na ipinapakita ang ilang kwarto ng bago niyang bahay na wala pang gamit.

Makikita rin sa ilang Instagram Stories ang kanyang paglilipat mula sa dati niyang tirahan.

“New home,” caption niya, kalakip ang hashtag na “renting the unit ah” na may kasamang laughing face emoji pa.

Baka Bet Mo: Dominic sister lang ang turing kay Kathryn, pero tinutukso ng netizens

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Dominic Roque (@dominicroque)

Sa pamamagitan naman ng IG Story, muling nilinaw ng aktor na umuupa lamang siya.

“Renting only para sa mga…,” wika niya, kasama ang isang laughing face emoji.

Dominic Roque ibinandera ang bagong tirahan: ‘Renting only’

PHOTO: Instagram Story/@dominicroque

Kung matatandaan, tila naging isyu noon kay Dom ang dating tinitirhang bahay.

Ayon kasi sa kumakalat na chika, mayroong “politician benefactor” ang aktor at ang condo niya ay pagmamay-ari talaga ng nasabing pulitiko.

“Ang condo unit pala na tinitirhan nitong si Dominic ay nakapangalan sa isang napakakontrobersyal na pulitiko,” rebelasyon ng batikang kolumnista na si Cristy Fermin.

Sey pa niya noon, “Pulitiko ang sinabi ko ha, lalaki, lalaking pulitiko! Ngayon kapag tinrace natin kahit doon nakapangalan doon sa pulitiko ‘yung unit at bakit siya ang boss ni Dominic?” 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Dahil diyan, umaksyon ang legal team ni Dom at sinampahan si Nanay Cristy ng kasong cyberlibel sa Office of the City Prosecutor ng Pasig City.

Samantala, sinabi ng aktor sa dating interview na siya ay nagmo-move on matapos ang paghihiwalay nila ng dating fiancée na si Bea Alonzo.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending