Dominic ayaw nang sagutin ang bagong rebelasyon ni Bea tungkol sa breakup
HANGGANG ngayon ay nasa proseso pa rin ng pagmu-move on ang dating aktor at businessman na si Dominic Roque sa breakup nila ni Bea Alonzo.
Ayaw na raw magpaapekto ng binata sa mga naglalabasang balita tungkol sa tunay na dahilan ng breakup nila ni Bea pati na rin sa pag-amin ng aktres na hindi siya ang nakipaghiwalay sa kanya.
Sa interview ng “Balitanghali” sa GTV kay Dominic, sinabi nito na patuloy pa rin ang kaniyang pagmo-move on matapos ang kontrobersiyal na hiwalayan nila ni Bea.
View this post on Instagram
“Moving on with everything,” ang maikling sagot ng binata nang usisain tungkol sa esatado ng puso niya ngayon. Aniya, nagpapaka-busy siya sa trabaho at sa pamilya.
At nang hingan nga ng reaksyon tungkol sa sinabi ni Bea na hindi siya ang nakipag-breakup, ang tugon lang ni Dominic, “Wala naman akong ia-add.”
Sa panayam ng “24 Oras” sinabi ni Bea na, “Hindi ako ang nakipag-break.”
“Okay naman kami. I think it will be disrespectful to the relationship and to the other person to talk about it,” aniya pa.
Nito lamang nagdaang July 11, nagpa-interview uli si Bea sa “Fast Talk with Boy Abunda” kung saan kinumusta siya matapos ang breakup nila ni Dom?
Baka Bet Mo: Bea love na love si Dominic: Sobrang inaalagaan niya ako, pinagsisilbihan, hindi nga ako sanay, e!
“I’m just enjoying my life, I guess I’m embracing the uncertainty e, kasi na-realize ko, minsan marami tayong plano sa buhay natin pero God’s plans are always better. And so I’m just here to embrace the uncertainty, kung ano ‘yung nakalaan para sa akin.”
View this post on Instagram
Ano naman ang natutunan niya sa kanyang past relationship? “Well, I ‘ve always known I am resilient, but I didn’t know I’m this resilient.”
Natanong din ni Tito Boy si Bea kung paano niya tatapusin sa ilang salita ang nangyari sa kanila ni Dominic, “Siguro top of mind na naiisip ko lang ngayon, maraming salamat.”
“I’m grateful for all the beautiful memories and even the not-so-beautiful memories because they made me stronger, they made me who I am right now,” aniya.
“First you have to accept the current situation, the circumstances that you are in, and then trust that there will be better days, and I feel that I have better days now and I feel like there will be more better days in the future.
“And siguro ‘yung napakaimportante, to let go and learn to walk away from the things that are really not meant for you,” sabi pa ni Bea Alonzo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.