Dominic sister lang ang turing kay Kathryn, tinutukso ng netizens

Dominic sister lang ang turing kay Kathryn, pero tinutukso ng netizens

Ervin Santiago - June 27, 2024 - 06:10 AM

Dominic sister lang ang turing kay Kathryn, pero tinutukso ng netizens

Dominic Roque at Kathryn Bernardo

IN FAIRNESS, marami rin ang nagsi-ship kina Kathryn Bernardo at Dominic Roque matapos kumalat ang chika na nililigawan ng binata ang ex ni Daniel Padilla.

Medyo tumahimik na ang ingay sa umano’y pagkakamabutihan nina Kathryn at Alden Richards kaya naman si Dominic naman ang inirereto ng mga netizens sa Kapamilya Box-Office Queen.

Ito’y kahit pa sinunog na ni Dominic ang ilusyon ng ilang fans na pinopormahan niya si Kathryn pagkatapos niyang hiwalayan si Bea at kanselahin ang kanilang kasal.

Komento ng ilang tagasuporta ni Kathryn, parang bagay din sila ni Dominic at plus pogi points na sa binata ang matagal na nilang pagkakaibigan.

Baka Bet Mo: James todo emote, may hugot nga ba sa ‘Para Sa Mga Ex’?

Ibig daw sabihin solid na ang foundation ng kanilang friendship at pwedeng-pwedeng mauwi sa pagiging magdyowa kung made-develop sila sa isa’t isa.

Nitong mga nagdaang linggo kasi ay palaging nagkakasama sina Kath at Dom kaya feeling ng kanilang mga supporters ay may namamagitan ng something sa kanila.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Dominic Roque (@dominicroque)


Sa isang entertainment page sa Facebook mababasa ang headline na, “Dominic Roque, nanliligaw nga ba kay Kathryn Bernardo?”

Nang makarating ito kay Dominic, mabilis nga niyang pinabulaanan ang chilang nililigawan niya si Kathryn.

Baka Bet Mo: Pakiusap ni Kylie Padilla: Please stop tagging me on my ex’s and his gf’s posts…

Siya mismo ang nagkomento sa naturang FB page para linawin ang issue at para hindi na humaba pa ang diskusyon at espekulasyon sa social media.

Sey ni Dominic, “Kapatid ko po yan. Bros (white heart emoji).”

Matagal nang magkaibigan sina Dominic at Kathryn bilang bahagi ng barkadahang Nguya Squad, kung saan kasama rin si Daniel, pati na sina Patrick Sugui, Marco Gumabao, Joe Vargas, Alora Sasam, at Joshua Garcia.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Nasa grupo rin sina Khalil Ramos at Gabbi Garcia, Sofia Andres at Daniel Miranda, at Ria Atayde at Zanjoe Marudo.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending