KimPau, KathDen, Gerald at Julia hinulaan ng psychic

KimPau, KathDen, Gerald at Julia hinulaan ng psychic, ano kaya ang na-predict?

Reggee Bonoan - August 31, 2024 - 08:23 AM

KimPau, KathDen, Gerald at Julia hinulaan ng psychic, ano kaya ang na-predict?

Kim Chiu and Paulo Avelino, Gerald Anderson and Julia Barretto, Kathryn Bernardo and Alden Richards

MARAMING babalang ibinigay sa mga sikat na personalidad ang tinaguriang Nostradamus ng Asya sa social media na si Madam Jay Costura.

Si Jay ay miyembro ng LGBTQIA + community at nakilala siya sa mga hulang nagkatotoo raw tulad ng pagsadsad ng Xiamen Arlines sa Manila at ipinost niya ito sa kanyang Facebook account noong Agosto 4, 2018.

Ang nakalagay ay, “Bad dreams strike like Asian Airline, Air (emoji place) will explode…I saw ramble numbers_9 2 6 8 7 #3rdeye.”

Ito ang ikinuwento ni Jay sa content creator-talent manager na si Ogie Diaz sa kanyang vlog na Ogie Diaz Inspires.

Aniya, “Marami na akong warning signs at doon nag-boom ang pangalan ko kasi I posted the flight details, ‘yung Asian airlines nabanggit ko pati kulay ng eroplano.

Baka Bet Mo: Ogie Diaz kay Chloe: Magpakumbaba, pagbatiin sina Carlos at Angelica

“Sa totoo lang po hindi ako naging masaya dahil nangyari ‘yung prediction ko kasi siyempre wala namang sinuman ang gugustuhing may sakunang mangyayari. So, nu’ng pinost ko po siya nag-ask talaga ako ng prayers na sana ay hindi po mangyari.”

Tanong ulit ni Ogie ano pa ang ibang na-predict ni Jay Costura na mas lalong umingay ang pangalan niya sa social media.

“Ang pinakamabigat ay ‘yung pagpasok ng virus noong 2020.  In-invite po ako sa Rated K (program ani Korina Sanchez-Roxas) para hingan kung ano ang nakikita ko sa pagpasok ng taong 2020.

“Nabanggit ko nga ro’n na ang year 2020 is kambal na numero, so, delikado po and mag-ingat tayo sa sakit na dala ng hangin.

“Yun po ‘yung pinakamabigat kasi nakuwestiyon agad ‘yung kredibilidad ko bilang psychic kasi ‘yung ibang psychic ay more on good things ang sinasabi sa pagpasok ng taon, so, tanging ako lang ang sumalungat na taghirap, kamatayan ang pagpasok ng 2020.

“So, nu’ng nangyari po ‘yun hinusgahan ako, hindi naman lahat pero marami sa social media ang pinagtawanan ako kasi napaka-imposible raw mangyari ‘yung sinasabi kong virus at hindi raw dala ng hangin hanggang sa napatunayan nga ng scientist na ‘yung virus na pumasok sa atin ay dala ng hangin.

“Nagkaroon din ako ng doubt sa sarili ko no’n kasi nagtanong ako, ‘Lord bakit iyon ang ipinakita mo sa akin?’  Kasi sobrang inulan ako ng batikos pagpasok ng 2020 at nakumpara ako sa ibang psyhic na puro magaganda ang nakikita samantalang ako bakit trahedya? Ang (purpose) ko lang talaga ay makapagbigay ng babala sa taumbayan,” mahabang kwento ni Jay.

Ang binanggit na virus ni Jay base sa Google ay, “It started spreading at the end of 2019 and became a pandemic disease in 2020. The virus that causes COVID-19 spreads most commonly through the air in tiny droplets of fluid between people in close contact. Many people with COVID-19 have no symptoms or mild illness.”

At dahil sa kaliwa’t kanang bash kay Jay ay dumating sa point na hindi na siya nagbibigay ng babala, “Kasi nakakadurog ‘yung pagtatawanan ka, ‘yung iba huhusgahan ang pagkatao mo, ‘yun ang pinakamabigat.”

Inamin din ni Jay na may mga lumalapit sa kanyang mga pulis at taga-NBI para magtanong sa kasong hawak nila.

“Isa sa mahirap kapag nagre-resolve ako ng crime kasi nararamdaman ko ‘yung pinatay at kung ano ang ginawa sa kanya, for example binaril sa dibdib, kinabukasan may pasa na ako sa dibdib. Isa pa sa dahilan ay hindi ako nakakatulog ng maayos kasi umaga, gabi, tanghali, gigisingin ka ng mga boses na nanghihingi ng tulong.

Baka Bet Mo: Benj Manalo inakalang si Jay Manalo ang tunay na ama, hindi si Jose!

“Gusto kong magpasalamat sa mga authorities natin kasi kapag may nare-resolve silang crime pino-protektaha nila ang pangalan ko,” kwento pa nito.

Pero sa kasalukuyan ay binabawasan na niya ang pagresolba ng krimen dahil may mga anak din siyang kailangang protektahan.

Samantala, nagbanggit si Ogie ng mga pangalan ng kilalang artista at kung ano ang masasabi ni Madam Jay.

Unang binanggit ang pangalan nina Kim Chiu at Paulo Avelino, “Sina Kim at Paulo base sa nararamdaman ko ay maganda ang tandem nila, I can feel the chemistry at nakikita ko na ‘yung tambalan nila ay mauuwi talaga sa true to life na pag-iibigan, actually parang ‘sila’ na nga, eh.”

Ikalawang tanong ay sina Gerald Anderson at Julia Barretto, “Sa nakikita ko sa kanila ay mayroong pag-uusap ng wedding at ang dalawa ay baka this year o next year ay may magaganap na ‘secret wedding’ sa kanila, because Gerald ay nando’n na sa puntong he wanted to settle down na.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ikatlo naman sina Alden Richards at Kathryn Bernardo, “Sa nakikita ko ay hindi magtatagal ang tambalan nila kasi hindi sila magki-click kasi base sa nararamdaman ko kasi mas (gusto pa rin sa aktres) ano pa rin si Kath sa brusko or super manly ang treatment sa kanya. Si Alden kasi ay mapi-feel mong soft hearted siya, mabait at angelic face kasi siya, so ang energy nilang dalawa ay magkasalungat.”

Ang pelikulang “Hello, Love, Again” na pelikula ng KathDen ay tatabo naman daw sa takilya kapag ipinalabas na ito sa Nobyembre. May part 2 ng predictions ni Jay sa iba pang sikat na artista.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending