Andrew Schimmer umalma sa nanghula ng lovelife niya

Andrew Schimmer sa nanghula ng lovelife niya: Manghuhula o scriptwriter ka?

Pauline del Rosario |December 24,2023
facebook
share this

Andrew Schimmer sa nanghula ng lovelife niya: Manghuhula o scriptwriter ka?

Pauline del Rosario - December 24, 2023 - 11:40 AM

Andrew Schimmer sa nanghula ng lovelife niya: Manghuhula o scriptwriter ka?

PHOTO: Facebook/John Andrew Schimmer

ISANG araw matapos ipakilala sa publiko ang bago niyang pag-ibig, agad na pinabulaanan ng actor-model na si Andrew Schimmer ang kumakalat na social media post ng isang manghuhula umano.

Mababasa sa naturang Facebook post na nagkatotoo raw ang hula niya kay Andrew tungkol sa new love niya.

Sinabi pa ng netizen na ang girlfriend ngayon ng aktor ay ang babaeng dati nang pinagseselosan ng namayapang partner ni Andrew na si Jho Rovero.

Chika ng manghuhula umano, “I know since day one that you would reveal the same woman that you[r] wife got jealous of hahahaha.”

“Yes yes pinagselosan na ‘yan ng late ex wife niya haha but they ‘remained friends’ and then she still kept him and he still kept ‘her friendship’ so ayan [happy face emoji],” wika pa sa FB.

Baka Bet Mo: Andrew Schimmer: I hate Christmas and I don’t think I will ever like it again

Ani pa, “She was there during his wife’s suffering, and he needs someone talaga losing someone like that, grabe.”

Nag-react naman diyan mismo si Andrew kung saan ipinost niya ang screenshot nito kalakip ang caption na: “Kengkoy na manghuhula na ‘to…[emojis] Juzmiyo marimar [laughing emojis].”

“Manghuhula ba talaga ‘to or script writer? [peace sign, laughing emojis]” tanong pa ng aktor.

Makikita rin na ibinandera ni Andrew ang isang komento ng kanyang kaibigan na naging dahilan na nagkakilala sila ng girlfriend niya ngayon.

“Master, hindi po sila magkakilala before ng friend ko ‘nung nasa ospital na si Jho. Friend ko si Jho and new GF ni Andrew,” paliwanag ng kaibigan ni Andrew.

Dagdag niya, “Nakikita ng new GF mga post ko about Jho, doon lang niya nakilala si Andrew. Ako po reason bakit sila nagkakilala po.”

“Hindi po sila magkakilala ‘nung buhay pa si Jho. Nag-meet sila ‘nung wala na po si Jho…Hindi po siya pinagseselosan ni Jho,” saad pa niya sa comment section.

Nakita rin namin na shinare din ng mismong GF ni Andrew ang nasabing post at sinabi rin niya na fake news ang chinichika ng manghuhula umano.

“THIS is NoT TRUE [emoji] Si God lang po paniwalaan, hindi ang hula hula [peace sign emoji],” paglilinaw niya.

Noong December 22 nang may pa-jowa reveal si Andrew sa madlang pipol.

Ayon sa aktor, ang natagpuan niyang karelasyon ang muling bumuo ng kanyang katauhan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sinabi rin niya na nanumbalik ang kanyang sigla at liwanag sa kanyang mundo dahil sa bago niyang pag-ibig.

Matatandaang noong December 2022 nang namaalam si Jho dahil sa iba’t ibang kumplikasyon.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending