Angelica Yulo pumirma ng kontrata: ‘Baka Viva Max ‘to ha!’

Angelica Yulo pumirma ng kontrata, endorser na: ‘Baka Viva Max ‘to ha!’

Pauline del Rosario - August 30, 2024 - 09:51 AM

Angelica Yulo pumirma ng kontrata, endorser na: ‘Baka Viva Max ‘to ha!’

PHOTO: TikTok/@hungrybossph

VIRAL sa social media ang pagpirma ng kontrata ni Angelica Yulo, ang ina ng two-time Olympic champion na si Carlos Yulo.

Sa TikTok, mapapanood ang ibinanderang video ng content creator at business owner na si Hungry Boss kasama sa isang kwarto ang ilang staff at pamilyang Yulo.

Kapansin-pansin din ang hawak na kontrata ni Angelica.

Nang tanungin ng ina ni Carlos kung para saan ang hawak niyang mga papeles, siya ay biniro ni Hungry Boss at sinabing magiging parte na siya ng Star Image Artist.

May kwelang hirit din sa kanya si Angelica, “Baka Viva Max ‘to ha!”

Baka Bet Mo: Vice inakusahang kampi sa nanay ni Carlos Yulo, umalma: Sa’n galing ‘to?

Sinakyan naman ito ng content creator at sinabing nakausap na nga raw niya si Vic del Rosario ng Viva Max.

Pero kidding aside, si Angelica ay isa nang endorser ng Smile 360 Dental Clinic na pagmamay-ari din ni Hungry Boss.

Kitang-kita ang saya at ngiti ng pamilyang Yulo habang pinapapirma kay Angelica ang kontrata.

Bukod diyan, nagawa pang i-promote ng business owner ang longganisang ibinebenta ng ina ni Carlos.

“If you wanna live longer, eat YuLongganisa!” hirit niya at ng staff.

@hungrybossph Mother ni Carlos Yulo, Star Image na? @Smile 360 Dental Clinic ♬ original sound – HUNGRY BOSS

Sa comment section, iba-iba ang naging reaksyon ng netizens.

May ibang natuwa sa bagong milestone ni Angelica, habang may ilan ring pumuna sa kanya.

Narito ang ilan sa mga nabasa namin:

“Tama! Si mader na lang bigyan ng mga endorsement [smiling face with hearts emoji].”

“Mission accomplished si Maam. Nakuha na exposure!”

“Goodluck po sa inyo Yulo Fam, more blessings to come.”

“So happy na kahit ganun man nangyari sa kanila ng panganay na anak niya dami pa din tulong at pagmamahal sa family. God bless po sa inyo.”

“Woooow! Go mother dear mas sisikat at tatak ka pa sa milyonaryo mong anak na pinabayaan kayo. Pwede ka na po mag-vlog mother.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Hahaha ‘yan ang gusto niya maging sikat din [laughing emojis].”

“Sana wala ng negativity na lalabas sa bibig niya. Baka parinig na naman ‘yan after that.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending