Kyline barag sa bashers dahil kay Kobe: Parang tama si Carmina!

Kyline barag sa bashers dahil kay Kobe: Parang tama nga si Carmina!

Ervin Santiago - August 29, 2024 - 01:19 PM

Kyline barag sa bashers dahil kay Kobe: Parang tama nga si Carmina!

NAKATIKIM ng masasakit at maanghang na salita si Kyline Alcantara matapos mag-viral ang “kandungan” video nila ng kanyang rumored boyfriend na si Kobe Paras.

May mga kinilig at natuwa sa kumalat na video ng celebrity couple kung saan makikita ngang nakakandong si Kyline kay Kobe habang kumakanta ang cager ng “Hinahanap-Hanap Kita” ng Rivermaya.

Nakapulupot pa ang mga braso ni Kobe sa bewang ng dalaga hanggang sa magkatitigan nang pagkalagkit-lagkit. Hinalikan pa ng binatang basketball player ang balikat ni Kyline.

Mukhang dedma at wala namang pakialam ang mga kasama nilang nagbi-videoke na tila sanay na sa kanilang ka-sweetan kapag magkasama.

Pero marami rin ang nam-bash at nangnega sa Kapuso actress sa tila paglalantad nito sa relasyon nila ng anak ni Benjie Paras matapos ang pagdedenay nito sa kanilang relasyon.

Baka Bet Mo: Kyline sa ‘kandungan’ video nila ni Kobe: I don’t need to explain myself

Ilan sa mga nabasa naming comments sa socmed ay nagsabing mukhang tama nga ang chika sa pagkontra ni Carmina Villarroel sa pakikipagrelasyon noon ni Kyline sa anak niyang si Mavy Legaspi.

Balitang hindi naging maganda ang breakup nina Mavy at Kyline kung saan nadamay nga si Carmina na umano’y isa sa mga dahilan kung bakit biglang naghiwalay ang ex-couple.

Narito ang ilan sa mga nabasa naming komento ng netizens sa viral kandungan video nina Kyline at Kobe.

“Jusko Kyline, kulang na lang mag-get a room na kayo ni Kobe. Great friends pa ba ‘yan?”

“Bnigay na bgay c kyline.wag lng makalimot. wag masyadong hot.maraming Ng babae natikman c Kobe.wag ka Muna mag pa tikim at bka umiiyak ka. nasa huli Ang pag sisi.”

“Aysus!!! Sobra pa sa ganyan ang gagawin ko pag c kobe ang kakandong sa akin..kaya lang naalala ko d pala ako c kyline at ang bigat ko..hahhaha.”

“Yan ang babaeng walang kadeledesa sa sarili khit my ksamang mga lalaki c boy kumandong pa rin yaks girl sabi mo great friends bilis mo naging caime2 sa sa matinik na durian.sau mismo nkikita ang kilos at gawa at salita girl huwag mgsalita ng tapos.”

“Mother knows best talaga!”

“Kandung plang yan ang dami ng nanlaki ang mata hahaha.”

“Parang okay ang desisyon ni carmina hahahaha.”

“Ako babae din ako konting respeto sa sarili.kababe mong tao magpapakita ka ng ganun nakakandong sa lalaki.at dimopa karelasyon yan.dko bashers concern lang.kong kapatid Kita Hindiagugustuhan na ganyan  ka sa lalaki dalaga kpa Naman iha.”

“Naku iha hihiwalayan ka din niyan gaya nung ginawa niya sa anak ni Ina Raymundo.”

Nauna rito, nagbigay ng reaksyon si Kyline sa naturang video at sa mga nagtatanong kung ano na ba talaga ang real score sa kanila ni Kobe.

Sey ni Kyline, karapatan niyang tumanggi at huwag magpaliwanag sa publiko tungkol sa kanyang lovelife.

“I feel like it’s my right to not answer or to answer questions…to deny nor confirm anything,” pahayag ni Kyline.

Dugtong pa niya, “I don’t need to explain myself din naman po to other people. Whatever they see is that’s what they’re gonna get.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Naniniwala rin ang Kapuso star na mas okay kung siya lang at ang pamilya niya ang nakakaalam sa mga nangyayari sa kanyang personal life.

“As long as alam ng pamilya ko at yung mga close kong mga kaibigan, my loved ones, what’s really happening behind cameras…I feel like I don’t owe the public any explanation naman po,” katwiran niya.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending