Anne Curtis babu na nga ba sa Showtime, papalitan raw ni Bela?

Anne Curtis babu na nga ba sa Showtime, papalitan raw ni Bela?

Therese Arceo - August 29, 2024 - 06:57 AM

Anne Curtis babu na nga ba sa Showtime, papalitan raw ni Bela?

HOW true ang kumakalat na chika na lilisanin na raw ng nag-iisang dyosa na si Anne Curtis ang “It’s Showtime” at papalitan na siya ni Bela Padilla.

Usap-usapan nga ngayon sa social media ang isang post mula sa X (dating Twitter) kung saan sinasabi nitong magpapaalam na raw isa sa mga original hosts ng naturang noontime program.

“OMG! Si Anne Curtis daw ang papalitan ni Bela Padilla bilang bagong host ng @itsShowtimeNa Trew ba? @annecurtissmith,” tweet ng X user na si @bortsngbarbie.

Nabanggit pa nga nito ang posibilidad na hindi na ito makitang mag-perform sa “Magpasikat” stage ang TV host-actress.

Baka Bet Mo: Vice Ganda sinita ng netizen sa ‘pananakit’ kay Anne Curtis

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

“So si Bela ang makikita natin na magpeform sa magpasikat this coming 15th anniversary ng showtime? Kalocca bakit si Anne pa?” dagdag pa nito.

Kalakip pa ng kanyang tweets ang ilang larawan ni Anne na umiiyak kasama ang ilang hosts ng “It’s Showtime”.

Samantala, makikita naman sa comment section ang pagsita ng ilang netizens sa original poster dahil isa raw itong malaking fake news.

“Busy po si Ms. Anne sa Comeback project niya kaya Madalas absent sa Showtime. Pero Hindi siya aalis at siya pa din ang kasama nila Jugs at Teddy sa 15th anniversary. Pero may chance na maging bagong regular Host si Bella Padilla because of public demands,” saad ng isang netizen.

Comment naman ng isa, “Anne is busy. She has a teleserye. She’ll be forever a Showtime family. Dagdag sila but no bawas.”

May ilan pa nga na sumita ng kanyang mga larawang in-upload dahil kuha raw ito noong kaarawan ni Teddy.

“Sana kumuha ka man lang ng mga pictures na legit!! Hindi yung galing pa sa bday photo ni Teddy!!! Wala na talga binalita to tama,” sey naman ng isa.

Depensa ng nag-post, nakita lang rin niya ito sa Facebook kaya tinatanong niya kung totoo nga ba ang balita.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Samantala, tila wala naman itong katotohanan dahil mukhang abala lang talaga si Anne sa kanyang mga bagong proyekto na handog niya sa madlang people.

Panigurado namang magsasabi ang aktres sakaling lilisanin niya ang show at panigurado ring may mabigat soyang rason kung totoong aalis na siya ng show.

Samantala, wala pa namang inilalabas na pahayag si Anne hinggil sa isyu.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending