Gerald nagselos ba sa JoshLia? ‘If walang feelings, weird yun, pero…’
MAGSISINUNGALING daw ang Kapamilya actor na si Gerald Anderson kung sasabihin niyang wala siyang naramdaman na “something” sa muling pagtatambal nina Julia Barretto at Joshua Garcia.
Marami kasi ang curious malaman kung ano’ng naging feeling ni Gerald na successful sa takilya ang balik-tambalan ng kanyang girlfriend na si Julia at ex-dyowa nitong di Joshua.
Baka Bet Mo: Gerald walang selos sa balikang JoshLia: Marami silang mapapasayang fans
Ayon sa hunk actor, 100 percent ang pagsuporta niya kay Julia sa latest movie nitong“Un/Happy for You” kasama si Joshua na balitang kumita na ng P320 million sa takilya.
View this post on Instagram
“Super proud! It’s good for the industry; it just shows that when the project is good, people will watch it,” ang pahayag ni Gerald sa ABS-CBN sa naganap na announcement ng bago niyang teleserye na “Nobody.”
Nang matanong kung nakaramdam ba siya ng selos nang gawin ng JoshLia ang kanilang reunion movie, nagpakatotoo ang aktor sa kanyang naging sagot.
“Ganito lang ‘yun, if walang feelings, siguro medyo weird yun, right? Sabi ko lang parang ganu’n nature of work natin talagang awkward eh, it’s really awkward, but you know at the end of the day, I’ve been in that situation.
“Marami sila napasaya na fans. ‘Yung feelings na ‘yun it takes a backseat. You wanna be professional for them, support her. At the end of the day she’s the person I care about,” aniya pa.
View this post on Instagram
Samantala, excited na si Ge na mag-shooting para sa latest serye niyang “Nobody”, ang magsisilbing comeback project niya sa ABS-CBN, under
JRB Creative Production.
Dalawang taon ding hindi napanood si Gerald ng mga Kapamilya viewers kaya siguradong ngayon pa lang ay abangers na ang kanyang mga supporters sa pagbabalik niya sa primetime.
Makakasama niya sa “Nobody” si Jessy Mendiola na magbabalik na rin sa pag-arte makalipas ang mahabang panahon. Ito’y mula sa direksyon ni Benedict Mique na siya ring nagdirek ng hit Netflix movie na “Lolo and The Kid”.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.