Gerald walang selos sa balikang JoshLia: Maraming sasayang fans

Gerald walang selos sa balikang JoshLia: Marami silang mapapasayang fans

Ervin Santiago |May 02,2024
facebook
share this

Gerald walang selos sa balikang JoshLia: Marami silang mapapasayang fans

Ervin Santiago - May 02, 2024 - 06:00 AM

Gerald walang selos sa balikang JoshLia: Marami silang mapapasayang fans

Gerald Anderson, Joshua Garcia at Julia Barretto

WALANG issue o problema kay Gerald Anderson ang muling pagtatambal ng dyowa niyang si Julia Barretto at ex-boyfriend nitong si Joshua Garcia.

Kasado na nga ang reunion movie ng dating magkarelasyon, ang “Un/Happy For You” na isang romance-drama.

Ang comeback movie ng JoshLia ay isang collaboration ng Star Cinema at Viva Films at mula sa direksyon ni Petersen Vargas, ang siyang nagdirek ng “A Very Good Girl” nina Kathryn Bernardo at Dolly de Leon.

Baka Bet Mo: Julia Barretto, Gerald Anderson magpapakasal na nga ba?

Huling nagkasama sa pelikula ang ex-couple sa kanilang 2018 movie na “I Love You Hater” kasama ang Queen of All Media na si Kris Aquino. Naghiwalay naman sila noong 2019.

Ayon sa mga writer ng “Un/Happy For You”, hindi nalalayo ang kuwento at tema nito sa mga pinagdaanan nina Julia at Joshua sa kanilang love story dahil iikot ang istorya sa mag-ex na muling pagtatagpuin ng tadhana.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Gerald Anderson (@andersongeraldjr)


Sa panayam nga kay Gerald ng Cinema One, nagsalita ang binata sa muling pagtatambal ng JoshLia. Aniya, hindi lang mga fans ang excited na mapanood uli sila sa big screen dahil kahit siya ay abangers na dito.

Sabi pa ng hunk actor, gagawin nina Joshua at Julia ang movie para na rin sa kanilang mga loyal fans na matagal nang humihiling na pagsamahin uli ang mag-ex sa isang movie.

Baka Bet Mo: Gerald magpapayaman muna nang bonggang-bongga bago pakasalan si Julia: ‘Sigurista ako, e…praktikal lang’

“It’s exciting, it’s exciting para sa mga fan nila. I’m not sure ilang years ago sila huling nagkasama, but I’ve been in that situation.

“Alam ko na marami silang mapapasaya na mga fan nila.

“They’re both great actors so alam natin na magiging quality yung ipapalabas nilang proyekto,” sabi ni Gerald.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by ABS-CBN Films, Star Cinema (@starcinema)


Nauna rito, nagbigay din ng kani-kanilang saloobin sina Julia at Joshua tungkol sa kanilang reunion project.

“At some point, you know, when a good material comes along with a great team, it is such an exciting idea. It is already the right time. We are both in a good place in our lives. I am happy na magtatrabaho tayo ulit,” sey ng aktres.

Sey naman ni Joshua, “Noong nalaman ko ang project, sabi ko yes agad kasi ang tagal na rin ng agwat noong panahon na nag-work kami. Before kasi, mga teenager pa kami.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Ngayon I can say na medyo nag-mature na rin kami. Ang exciting lang na may kanya-kanya kaming journey at magbabalikan kami sa pelikula,” dugtong ng aktor.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending