Gerald Anderson sa pagpapakasal: I'm closer to that

Gerald Anderson sa pagpapakasal: I’m closer to that

Therese Arceo - June 09, 2024 - 02:09 AM

TILA nagpapahiwatig na ang Kapamilya actor na si Gerald Anderson na nalalapit na siya sa punto ng buhay kung saan nais na niyang magpakasal at mag-settle down.

Sa kanyang panayam sa Kapamilya broadcaster na si Karen Davila na mapapanood sa YouTube channel ng huli ay napag-usapan nila ang pagpapakasal.

Para sa mga hindi aware, ang kasalukuyang girlfriend ni Gerald ay ang kapwa aktres na si Julia Barretto.

Matatandaang March 2021 nang aminin ng aktor ang relasyon nila sa madlang people.

Baka Bet Mo: Julia Barretto naloka sa chikang hiwalay na kay Gerald Anderson

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Naging bahagi ng pag-uusap nila ang solong paninirahan ni Gerald sa kanyang bahay sa Quezon City katabi ang kanyang gym business.

Sinabi ni Karen na dapat raw ay may katuwang na ang aktor sa bahay at buhay.

“Actually, malapit na. Kailangan kasi siya yung mag-ano sa household, siya yung magbabantay,” pagbabahagi ni Gerald.

Pagpapatuloy niya, “Siyempre, 35 na po ako. e. Mas malapit na ako dun sa…”

Ngunit tila hindi na itinuloy pa ni Gerald ang sasabihin at biglang nag-chance topic.

“But you are ready? Is that fair? Are you ready for marriage?” usisa ni Karen.

Diretsong sagot ni Gerald, “Yeah, of course. I’m closer to that. Kasi kung five, three years ago, tanong niyo sa akin yan, ‘Hindi, hindi.’ But siyempre, that’s why I’m doing all of this. Kasi gusto ko maalagaan yung mga anak ko. Na wala silang iisipin.

“But hindi sila puwede maging spoiled. Kasi hindi madali ang buhay. So, yun. Just… everything I do in life is leading up to yung aspeto na yan.”

Matapos nito ay nagtanong naman si Karen kay Gerald patungkol sa kanyang girlfriend.

“What makes Julia different?” diretsang tanong ni Karen.

“Because we support each other. Yun ang pinakaimportante dun, e. She supports me with my endeavors, yung trabaho ko, yung pagba-basketball ko. Alam din kasi niya na yun din yung nagbibigay, nagpapasaya sa akin,” sagot naman ni Gerald.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Dagdag pa niya, “Yun din yung nag-motivate sa akin every day. Sana, she sees how passionate I am about yung mga bagay na yun. And she supports me. And vice versa din. You know, I always try to push her to be the best version of herself.”

Inamin ni Gerald na marami na rin silang pinagdaanang pagsubok nang magkasama.

“We’re going through this journey together. Marami highs and lows, but as long as gagawin natin together, I think it makes everything better,” lahad pa ni Gerald.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending