Gerald Santos: 4 na beses kong inisip na tapusin na ang buhay ko

Gerald Santos: 4 na beses akong nag-isip na tapusin na ang buhay ko

Ervin Santiago - August 28, 2024 - 09:12 AM

Gerald Santos: 4 na beses akong nag-isip na tapusin na ang buhay ko

Gerald Santos

Trigger Warning: Rape, suicide attempt, sexual harassment

BAGONG rebelasyon ng singer-actor na si Gerald Santos — apat na beses siyang nagtangkang tapusin na ang kanyang buhay dahil sa ginawang panghahalay sa kanya.

Ito’y dahil nga sa umano’y naranasang pang-aabusong sekswal o rape mula sa  musical director na si Danny Tan noong December 25 at 26, 2005. Siya ay 15 years old pa lamang nang mangyari ang insidente.

Sa muling pagharap ng binatang singer sa Senate hearing kahapon, August 27, na pinamunuan nina Sen. Robin Padilla at Sen. Jinggoy Estrada matapang na niyang pinangalanan si Danny Tan na nanghalay sa kanya.

Baka Bet Mo: Gerald, Julia sweet na sweet sa Boracay; may bonggang dinner by the beach

“Sa gulang na 15 years old po ay naranasan ko ang pinakamapait na maaaring maranasan ng isang bata.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Gerald Santos (@thegeraldsantos)


“Pero dahil po sa aking marubdob na pangarap na maiahon ko ang aking pamilya sa kahirapan ay pinilit ko pong kalimutan ang pangyayaring ito sa aking puso at isipan.

“Hindi po alam ng aking pamilya pero apat na beses po akong nag-isip na tapusin na ang buhay ko. Dahil sa matinding kahihiyan na maari kong maranasan kapag nalaman ito ng lahat.

“Dahil sa pandidiri sa sarili ko na ginawan ako ng ganito. Dahil alam ko po sa sarili ko na wala na akong magagawa at walang makikinig sa akin,” pagsasalaysay ni Gerald.

Baka Bet Mo: Promise ni Ate Guy bilang National Artist: Patuloy pa nating isusulong ang mga pelikulang kapupulutan ng aral at inspirasyon

Patuloy pa niya, “Kaya pinilit ko itong burahin sa puso’t isipan ko dahil din sa matinding takot na kapag binalikan ako ng taong umabuso sa akin ay hindi ko na maipagpatuloy pa ang pag-abot sa aking mga pangarap para sa aking pamilya at sa huli ay madamay pa sila.

“Ako po ang breadwinner ng aking pamilya at gagawin ko po ang lahat maigapang lamang po sila sa kahirapan at matiyak ko na mapag-aaral ko ang aking apat na kapatid,” dagdag pa ng binata.

Nag-explain din siya kung bakit limang taon pa ang lumipas bago siya naghain ng formal complaint sa GMA Network hinggil sa naranasang sexual abuse.

“Nag-ipon po ako ng sapat na tapang at lakas ng loob at mental fortitude para isiwalat ang pang-aabuso sa akin.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Gerald Santos (@thegeraldsantos)


“Bilang 15 years old, ako po ay mahina. Walang kalaban-laban. Walang magagawa. Walang kilala. Ako po ay isang mahirap lamang,” aniya.

Panawagan pa ng singer sa lahat ng kumpanya at organization, protektahan at alagaan ang mga biktimang nagrereklamo at nagsusumbong.

“Nang sa ganu’n po ay magkaroon talaga sila ng ibayong lakas para isiwalat ang kasamaan. Para po hindi tila na ‘left in the dark’ or ‘left alone in the battle’ na lamang bigla ang biktima.

“Yung psychological at psychiatric support po sa biktima ay napakalaking bagay, lalo po kung bata ang biktima.

“Sana ay magkaroon din po ng safeguards para kahit inalis na po yung sex offender ay hindi mababalikan o magagantihan ang biktima ng mga kaibigang nasa posisyon at may loyalty dun sa taong tinanggal.

“Ito po ang personal kong naranasan at matatawag po itong double jeopardy. Ako na po ang naabuso, ako pa rin po ang nawalan ng trabaho,” sabi pa ng binata.

Hindi naman sinagot ni Gerald ang tanong ni Sen. Jinggoy kung nagkaroon ba ng “male-to-male penetration” sa kanyang kaso.

Pagbabahagi pa ni Gerald, isang torture para sa kanya na balikan ang mga nangyari kahit pa 19 years na ang nakalipas. Pero kailangan niya raw itong gawin para na rin sa lahat ng mga kapwa niya biktima.

“Ito po ay mental, psychological, at emotional torture. Ang pangyayari po kay Sandro Muhlach ang muling nagdala at nagparamdam sa akin ng sakit na dinanas ko din sa sitwasyong kinapalooban ko noong December 25, 2005 at December 26, 2005…” pag-amin pa ng aktor.

“Kaakibat na po dito ang malalim na adhikain ko ngayon na maimulat po ang mga mata ng ating mga kababayan at kabataan sa mga ganitong klaseng pang-aabuso at huwag pong maliitin at sabihing napakatagal nang nangyayari.

“Na ito po, sadyang ‘kalakaran’ na lalo na sa industriya ng showbiz. Any form of sexual abuse, harassment, assault, and rape is never okay.

“Hangad ko po na mabigyang-lakas loob din po ang mga biktima na lumantad at agad ding magsumbong sa oras na makaranas sila ng ganitong klaseng pang-aabuso.

“Sa katunayan po ay marami na po ang nagme-message sa akin tungkol sa kanilang mga kuwento bilang mga biktima ng sexual harassment, rape at abuse.

“Sa mga kapwa ko po naging biktima ng ganitong pang-aabuso, at kay Sandro, kaisa niyo po ako sa inyong laban.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Lastly ay para po sa GMA, hiling ko po na finally ay magkaroon na ito ng closure,” sabi pa ni Gerald.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending