Kapatid ni Alice Guo na si Sheila nakakulong na sa Senado
NASA kostodiya na ng Senado si Shiela Guo, ang kapatid ng dating mayor ng Bamban, Tarlac na si Alice Guo.
Dumating si Sheila sa loob ng Senado bandang 12:29 p.m. ngayong araw, August 26, matapos ikulong ng National Bureau of Investigations (NBI).
Ayon kay Senate Secretary Renato Bantug sa INQUIRER.net, si Sheila ay agad na sumailalim sa imbentaryo at medical checkup ng kamara.
Ang kapatid ni Alice ay inaasahang haharap sa pagdinig bukas, August 27, na kung saan tatalakayin kung paano nakatakas sa Pilipinas ang dating alkalde kahit ito ay may warrant of arrest at lookout order.
Magugunitang kasama ni Sheila si Cassandra Ong nang ibinalik dito sa Pilipinas noong August 2 matapos sila arestuhin sa isang mall sa Indonesia noong August 20.
Baka Bet Mo: Xian Gaza ibinuking kung paano nakatakas ng Pinas si Alice Guo
Para sa mga hindi aware, si Ong ang tinutukoy na lessor ng ni-raid na Pampanga Philippine offshore gaming operator (POGO) na Lucky South 99.
Nauna nang ibinunyag ni NBI Director Jaime Santiago na si Shiela ay isang Chinese national at ang tunay na pangalan nito ay Zhang Mier.
“There was a comparative fingerprint analysis between Shiela L Guo, ito ‘yung nasa amin, at isang Zhang Mier. Comparative fingerprint analysis shows Chinese Zhang Meir and Shiela L. Guo are one and the same person,” sey ng NBI chief.
Tulad din ng kanyang kapatid, si Sheila ay may nakabinbin na arrest order sa Senado dahil tumanggi itong humarap sa Committee on Women’s hearing noong July 10.
Si Sheila ay pinaniniwalaang co-incorporator ng halos pitong negosyo na pagmamay-ari ng dismissed mayor.
Bukod kina Alice at Sheila, may arrest warrants din ang ibang family members nila kabilang na sina Wesley Leal Guo, Jian Zhong Guo, Seimen Guo, at ang suspected mother na si Wen Yi Lin.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.