Jinggoy dumepensa sa ‘harsh’ daw na pagtatanong kina Sandro, Gerald
“I WAS not tough.”
‘Yan ang naging sagot ni Sen. Jinggoy Estrada matapos batikusin ang pagiging “harsh” daw sa pagtatanong kina Gerald Santos at Sandro Muhlach kaugnay sa usaping sexual abuse at harassment.
Ibinunyag ng senador na aware siya sa pamumuna sa kanya dahil may mga kaibigan siyang nag-message regarding dito.
Paglilinaw niya sa panayam ng veteran entertainment columnist at radio host na si Gorgy Rula, “I was fair in judging.”
“Marami ang nagsasabi na masyado raw akong tough. I was not tough, I was not defending GMA,” paliwanag ni Sen. Jinggoy.
Baka Bet Mo: Gerald Santos sa mga nakabanggang TV exec: Gumaganti pa rin po sila!
Esplika pa niya, “‘Nung nagreklamo siya after 5 years, inaksyunan naman ng GMA. Ano pa ba ang gustong mangyari, sabi kong ganun.”
Ibinunyag niya rin na nagkausap sila ni Gerald kaugnay sa isyu na ito at nagpasalamat pa nga raw sa kanya ang aktor.
“Tapos nung nagkaroon ng break, nag-usap pa kami pinatawag ko, [sabi ko], ‘Ano pa ba ang gusto mong mangyari diyan? Kung gusto mong kasuhan, wala pa naman yatang prescriptive period ‘yan, kasuhan mo na,’ parang ganun,” chika ng senador.
Patuloy niya, “Umakyat pa ‘yan sa opisina ko, nagpasalamat pa sa akin e. Tapos sasabihin, I was too tough.”
Dahil diyan, may panawagan si Sen. Jinggoy para sa mga nadismaya umano sa pag-handle niya sa pagdinig: “They better check their facts first before they judge me.”
Magugunitang nagkaroon ng “open letter” ang batikang broadcaster na si Karen Davila sa gitna ng mga pagpuna kay Sen. Jinggoy.
“To our lawmakers, stop victim-blaming,” panawagan ng news anchor.
Dagdag pa ni Karen, “Victims are scared. They feel ashamed. And this kind of public shaming will not help victims to come out.”
“Let me remind our senators, you serve the people. You are not gods. Do not act like it,” mensahe pa ng news anchor.
Magugunitang humarap sa Senado si Gerald noong August 19 upang isalaysay ang ginawang panghahalay umano sa kanya ng isang musical director noong siya ay contestant ng isang singing contest at nasa menor de edad pa lamang.
Nabanggit din ni Gerald na siya ay natakot noon at hindi siya natulungan ng management.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.