Kilalang aktres nagbabayad ng P1k kada tao para manood sa mall show
MAY chika sa amin ang mga nakadalo sa mga show ng kilalang aktres na ginanap sa iba’t ibang mall sa Metro Manila at mga karatig probinsya isama pa ang Mindanao.
Nang ianunsyo raw ang show ng kilalang aktres sa isang mall sa National Captial Region nang mag-guest ito sa isang programa ay ini-expect nilang dudumugin ito pero hindi pala dahil sa mismong araw ng show ay nasa limang tao lang ang nakaupo at naghihintay.
“Nauna ng two hours ‘yung limang taong ‘yun kaya nagawan pa ng paraan at nanghila talaga ng tao at pinagbibigyan kami ng P500 each, e, di hayun punumpuno ang show ni ____ (kilalang aktres) at hiyawan talaga kami. Ha-hahaha!” kuwento ng aming kausap.
Baka Bet Mo: TV ni Pia Wurtzbach ‘nagloko’ habang nanonood ng Miss Universe 2023; naniniwalang deserving manalo si Miss Nicaragua
Dagdag pa niya, “Wala naman din kasi kaming gagawin, malling lang talaga, e, di ano ba naman ‘yung almost 2 hours show na keme-kemeng namigay ng kung anu-ano plus may P500 pa kami, e, di may pangdagdag sa food.”
Nang matapos na raw ang show ng kilalang aktres ay nilapitan daw ang mga nanood ng show kung okay ulit na manood sila out of town na at may service raw na malaking bus, umoo naman ang kausap namin at nagsabi na maghatak pa ng mga kakilala at take note, tumaas na ang bigayan.
“Bongga 1k na, aayaw pa ba kami? May pa-service na may 1k pa. ‘Yun lang tubig lang ang binigay sa amin habang nasa biyahe, kami na sumagot ng food. Ha-hahahaha!” tsika pa ng aming kausap.
Nagkaroon din daw ng show sa Mindanao area pero hindi na kasama ang kausap namin dahil mga tagaroon na raw ang pinaghihila para manood ng show.
Habang kausap namin ang naka-experience na mahila para manood ng show ng kilalang aktres ay iniisip namin kung ganoon ba talaga karami ang pera ng kilalang aktres para maglustay ng datung?
May pera naman talaga ang kilalang aktres pero kung sa bawa’t mall show ay naghahatag siya ay aabot ‘yun sa malaking halaga dahil may mga malalayong lugar pa siyang pinuntahan.
Tanong namin kung ano nga ba ang dahilan ng mall shows, “Nagpo-promote ng produkto niya at may pelikula raw siya.”
Naaliw kami kasi narinig ng kasama namin sa bahay ang tsikahan namin ng nakapanood ng show ng kilalang aktres na sana magkaroon daw ulit dito sa Quezon City para manonood siya, sayang daw ang 1k na sabi namin ay P500 lang kasi malapit, okay na rin daw kesa wala.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.