David Licauco shookt nang makaharap sa taping si Maria Ozawa

David Licauco shookt nang makaharap sa taping si Maria Ozawa

Ervin Santiago - August 19, 2024 - 09:25 AM

David Licauco shookt nang makaharap sa taping si Maria Ozawa

NA-SHOCK ang Pambansang Ginoo at Kapuso hunk na si David Licauco nang makaharap ang Japanese actress na si Maria Ozawa.

Aminado ang leading man ni Barbie Forteza sa Kapuso Prime series na “Pulang Araw” na na-starstruck siya nang makita sa unang pagkakataon ang sexy actress.

Naikuwento ni David sa “24 Oras Weekend” kagabi na nagkasama sila ni Maria sa nakaraang taping nila ng kanilang teleserye.

Baka Bet Mo: EXCLUSIVE: Maria Ozawa bet gumawa ng romcom, tututukan muna ang pagiging negosyante

Gumaganap si David sa “Pulang Araw” bilang si Hiroshi Tanaka, isang anak ng Japanese immigrants sa Pilipinas. Gaganap naman si Maria bilang ina ni Tanaka.

“Actually paakyat dito nakita ko si Maria Ozawa. Nagulat ako na nandyan siya saka ang ganda niya,” chika pa ni David.

Matatandang nag-viral ang paglalaro ni David sa “Family Feud” last January nang mabanggit niya ang “Ozawa,” sa tanong ng host ng show na si Dingdong Dantes na magbigay ng mga pangalang nagsisimula sa “Maria.”

Sumagot naman si Maria Ozawa sa nag- viral na video ni David at tinawag niyang “cute” ang Kapuso star.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending