Yorme naka-bonding si Canadian Prime Minister Justin Trudeau

Yorme naka-bonding si Canadian Prime Minister Justin Trudeau

Ervin Santiago - August 19, 2024 - 07:00 AM

Yorme naka-bonding si Canadian Prime Minister Justin Trudeau

Isko Moreno, Justin Trudeau at Alden Richards

MAS naging memorable at historical ang pagtungo ni Isko Moreno sa Canada para sa “Sparkle World Tour” upang magbigay-saya at sorpresa sa Global Pinoys abroad.

Bukod kasi sa pagpe-perform sa mga kababayan nating nagtatrabaho at naninirahan na sa Canada kasama ang iba pang Sparkle artists, nabigyan din ng chance si Yorme na ma-meet ang Prime Minister ng Canada na si Justin Trudeau.

Nangyari ang kanilang pagkikita sa Taste of Manila event sa Wilson Ave. at Bathurst St., Toronto kung saan nagtipun-tipon ang Filipino community doon.

Baka Bet Mo: Bea, Dingdong, Ai Ai, Julie Anne, Rayver magpapasabog ng good vibes sa US; maraming sorpresa para sa mga Pinoy

Ibinahagi ng Sparkle GMA Artist Center sa Instagram ang mga photos nina Yorme at Trudeau na kuha sa naturang event.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Sparkle GMA Artist Center (@sparklegmaartistcenter)


May video rin ang GMA Pinoy TV sa Instagram kung saan makikita ang pagdating ni Trudeau sa venue ng Taste of Manila event pati na ang pagpapakilala kina Isko at Trudeau.

Baka Bet Mo: Kylie Padilla palaban na rin sa pagpapa-sexy; ‘Sparkle Fans Day’ bonggang Christmas treat ng GMA sa mga Kapuso

Makikita rin sa video ang pagse-shake hands ng dalawang personalidad.

Kasama naman ni Isko na nag-perform sa “Sparkle World Tour” sa Canada sina Asia’s Multimedia Star Alden Richards at Boobay.

Handang-handa na ang Sparkle artists para sa Sparkle World Tour simula ngayong August hanggang September.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Noong August 9 naman, nakisaya sina Alden, Isko, Boobay, Rayver Cruz, Julie Anne San Jose, at Ai Ai Delas Alas sa City National Grove of Anaheim, California.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending