Yassi pinaiyak ng driver ng na-book na TNVS: Ang swerte ko

Yassi pinaiyak ng driver ng na-book na TNVS: Kuya, ang swerte ko naman

Ervin Santiago - August 18, 2024 - 10:46 AM

Yassi pinaiyak ng driver ng na-book na TNVS: Kuya, ang swerte ko naman

Yassi Pressman

NAIYAK ang actress-TV host na si Yassi Pressman habang nakasakay sa kotseng na-book niya mula sa isang ride-hailing app.

Hindi napigilan ng dalaga ang kanyang sarili na maging emosyonal dahil sa naging commuting experience lalo na ang pakikipagkuwentuhan niya sa driver ng nasakyang TNVS o Transportation Network Vehicle Service.

Nagbahagi ng maikling video ang aktres sa Instagram kung saan mapapanood nga ang pakikipag-usap niya sa driver na nagngangalang Josh.

Baka Bet Mo: Jolina naiyak nang balikan ang naging challenge sa pagsasama nila ni Mark: ‘Na-test din kami dahil wala kaming helper’

Ayon kay Josh, ipinangalan nila ng kanyang asawa ang panganay nilang anak kay Yassi kasunod ng pagpapakita ng litrato ng anak.

“Kuya, ang swerte ko naman na ikaw ‘yung nag-drive sa akin. Naiyak naman ako,” ang sabi ni Yassi sa driver.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Yassi Pressman (@yassipressman)


Nakipag-video call pa ang asawa ni Josh na si Girlie kay Yassi pati na ang kanilang na kapangalan nga ng aktres. Makikita sa video na umiiyak na si Yassi sa loob ng sasakyan.

Baka Bet Mo: Paniniguro ni Tito Sen sa mga Dabarkads…’Eat Bulaga is here to stay’; Alden naiyak sa pagbabalik-EB

Ang nakasulat sa caption ng IG video ng aktres, “Commuter mode yesterday and what are the odds that i met kuya josh, my driver yesterday, who named his daughter after me?!

“I cry!! The universe will always have a way of telling you that you are surrounded by so much love and i hope you guys feel that too.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“I love you guys, salamat palagi,” mensahe pa ni Yassi.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending